Limang Bagay na Madalas nating Gawin Kaya Tayo ay Nahihirapan Mag-Ipon!

Isa ba kayo sa mga madalas na nagsisisi kung bakit hindi tayo nakaka-ipon ng pera? Kayo ba yung tipong sasabihin sa sarili na “Mag-iipon na talaga ako” subalit makalipas ang isang linggo, lugmok nanaman kayo sa babayarin? Madalas niyo bang problema kung paano kayo makakaipon ng sapat na halaga ng pera?

Importante ang pag-ipon ng pera at itabi ito sa banko upang sa ganun mayroon tayong madudukot sa panahon na kailangan natin ito. Ayon sa mga eksperto, mainam na mayroon tayong emergency funds na ipon na maaaring umabot ng 3-6 na buwan kung sakaling mawalan tayo ng trabaho o salary income.



Kaya naman sa artikulong ito, ibabahagi namin ang mga limang bagay na madalas nating gawin nang hindi natin napapansin na ito na pala ang nagdudulot ng malaking gastusin sa ating bulsa.

1. Hindi tayo marunong magdala ng water bottle sa trabaho o sa school.

Alam niyo ba na ang isa sa biggest spending ng isang average na tao ay ang pagbili ng bottled water sa labas? Kung tayo ay marunong magdala ng ating sarili lagayan ng tubig ay mas makakatipid tayo ng mahigit isang libo sa isang buwan dahil makakaiwas tayo sa pagbili ng mga bottled water na may presyong 25-35 pesos at ang mga carbonated drinks na humihigit sa 40-70 pesos.



2. Pagbili ng mga bagay na hindi naman natin talaga kailangan

Kung kayo ay mapapadaan sa isang supermarket o department store, makakalabas ba kayo rito ng walang binibili kahit isa? Karamihan sa atin, pag tayo ay pumasok sa isang bilihan ng mga pagkain o groceries, dumadagdag ang ating cart dahil madalas tayong kumukuha ng mga maliliit na bagay na hindi naman natin talaga kailangan.

3. Sa susunod na papasok kayo sa isang supermarket o deptartment store, tanungin muna ang sarili kung kayo kailangan niyo nga ba ang bagay na ito bago bilhin.

Alam niyo ba na mas makakatipid tayo kung bibili tayo ng mga grocery na pwedeng pang matagalan kaysa sa mga items na maliliit at madaling maubos. Halimbawa nalang ang pagbili ng sabon, shampoo, sabon at mga toiletries sa bahay, mas mainam na bumili ng maramihan at gumawa ng listahan na kung hanggang kailan ito makokonsumo kaysa linggo-linggo tayong bumabalik sa supermarket at bilhin ang mga ito Magpunta sa mga market na nagbebenta ng maramihan at malakihan na non-perishable items na maaaring tumagal ng isa hanggang dalawang buwan.

4. Madalas na pagpunta sa mga restaurant


Gawain ito ng mga Pinoy upang makabonding ang kanilang pamilya. Pero isa ito sa biggest spendings natin dahil triple ang ating binabayad sa mga restaurants na ating pinupuntahan. Hindi naman masama ang pag-kain sa labas, subalit mas mabuti nang limitahan ang pagpunta sa mga ito isang beses sa isang linggo at magbaon na lamang sa trabaho o school. Maaari rin kayong bumili sa mga affordable restaurant o kaya naman sa mga carinderia na inyong pinagbibilhan paminsan minsan.

5. Ugaliin na gumawa ng budget at sundin ito upang nairerecord ninyo kung saan napupunta ang inyong pera.



Isa itong pinakaimportanteng step upang makapag ipon ng maayos. Ang kadalasan nating nagagawa ay ang hindi natin pag budget sa ating mga gastusin sa buhay. O kaya naman, gumagawa nga tayo ng budget subalit hindi naman natin ito sinusundan at mas nagpapadala tayo sa ating impulse na bumili ng ibang gamit na hindi naman kailangan.

Ilan lamang yan sa mga bad habits na madalas nating ginagawa. Importante padin ang pag iwas sa mga bagay na hindi naman natin kailangan at matutong magtipid at mamuhay lamang ng simpleng ayon sa kinikita nang hindi mabaon sa utang.