Sampung Bagay na Dapat Mong Gawin sa Iyong Buhay Bago ka Umabot sa Edad na 40!

Lahat siguro tayo ay may mga bagay na gusto nating gawin pero may pumipigil sa atin, pero bago pa mahuli ang lahat, gawin mo na ang gusto mo para wala kang pagsisihan sa dulo.

Sabi nila na kapag nasa edad 40 na ay ang pinakanakakastress na level sa iyong buhay. Kaya naman ang mga nasa baba ay mga paraan para hindi ka masyadong mastress pagdating sa edad na 40.



Minsan dahil sa trabaho ay hindi na nagagawa ang mga bagay na ito, pero huwag mo munang isipin ang trabaho ngayn dahil ang importante ay naging masaya ka at may bago kang nagawa sa iyong buhay.

1. Try something you loveKung sa mga past years mo, nakadepende ka nalang sa gusto ng iba sayo, ngayon itry mo naman ang gawin ang gusto mo. Tulad ng pagdodonate sa charity, o bigyan mo ang sarili mo ng regalo na gustong gusto mong bilihin pero may pumipigil sayo?

2. Magtakda ng mga layunin pampisikal o Set a physical goal

Hindi lahat ay pala-exercise, hindi lahat gusto ang mga sports. Pero minsan sa iyong buhay try mong sumali sa mga marathon, triathlon o bike race kasama ang pamilya. Hindi lang ito nagkakapag palakas sayo physically dahil nagbibigay rin ito sayo ng peace of mind.




3. Solo Trip

Kahit isang beses lang sa iyong buhay, subukan mo namang magtravel mag-isa, iwanan muna ang comfort zone at maexplore ng mga bago. Malay mo mas maenjoy mo pa ang buhay kapag naalis ka na sa iyong comfort zone? May nakapagsabi naBigyan ng pagkakataon ang sarili na sunurin ang iyong

Intuwisyon dahil ito ay nakakadagdag ng confidence at realization tungkol sa iyong sarili.

4. Harapin ang iyong takot

Ano nga ba ang iyong pinakakinatatakutan? Clowns? Heights? Spiders? Kung sa nakalipas na mga taon nabubuhay ka na may takot sa mga ito, panahon na para harapin mo sila. Ang pagharap daw sa iyong fear ay hindi ganoong nakakatakot tulad ng iyong iniisip at kapag ito ay iyong naharap na, matututo ka at lalago kaysa dati.

5. Tumulong sa mga bata


Kapag pinagbuksan mo iyong tahanan at puso sa mga bata, lalo na ang mga nangangailangan, matututo ka ng mga iba’t ibang paraan hindi lamang para sa kanila kundi para na rin sa iyong sarili. Iba ang nadadalang saya ng mga bata kaya kung matagal ka ng hindi nakakakita ng mga bata, mag-alaga nito dahil sa kanilang mga mukhang anghel pa lang ay nakakatanggal nan g iyong stress. Hindi lamang ito para sa iyong benepisyo dahil maiimpluwensyahan mo rin sila ng mga mabubuting bagay.

6. Eat something strange

Sa ilang mga study ang tastebuds ay nagbabago sa paglipas ng panahon, at kung tayo ay nagkakaedad na,  hindi na muli sila nabubuhay kaya naman ang ibang lasa para sa iyo ay nawawala na at nagiging matabang. Kaya naman panahon na para subukan ang mga hindi mo pa nasusubukang kainin.

7. Reinvent yourself

Hindi pa huli ang lahat para maging isa sa iyong pinapangarap. Sabi ng isang life coach at author na si Ellyn Schinke, Ang ating mga pangarap noong nakalipas na panahon ay ang totoong tayo at hindi na ito magbabago pa pero sa mga mas malalaking opportunities na ibinibigay nakakaligtaan na natin ang mga ito.



8. Stop trying to control your weight

Maaaring ang pagcontrol mo sa iyong weight ay maging sanhi ng ilang kasakitan. Halimbawa, iniiwasan mong kumain ng mga pagkain na ramdam mong makakadagdag sa iyong timbang. Hindi mo na kailangan pang magbawas ng timbang dahil kahit ano mang pisikal ang iyong anyo basta masaya ka sa iyong ginagawa, maganda na ito para sa iyong sarili pati na rin sa paningin ng iba. Mas maganda ng hindi kontrolin kung ano man ang iyong timbang dahil kung ano ang iyong ikasasaya hindi na alintana ang sasabihin ng iba.

9. Magsimula ng sariling business

Hindi ka man nangarap maging entrepreneur pero may mga bagay na nagbibigay sayo ng saya tulad ng pagluluto o pagpapaint, pwede itong maging simula ng iyong business. Subukan mong mag-explore sa mundo ng business at malay natin magaling ka pala sa pagmamanage?

10. Make a difference

Hindi na kailangan pa ng bonggang plano para lang mapaunlad ang mundo kung gusto mo, tumulong nalang sa mga community na maraming nangangailangan, magvolunteer sa mga tree planting. Makakagawa ka ng bago kung naniniwala kang magagawa mo ito at sisismulan na sa oras na ito.