Inspiring Story ng Isang Pinoy Housemaid dati at naging CEO na Ngayon!

Marami nga naman talaga sa atin ang pinipiling magtrabaho at magpunta sa abroad upang umasenso ang buhay ng ating pamilya sa Pilipinas. Bagamat mahirap ang pagtrabaho sa abroad bilang isang OFW, marami parin ang nangangarap na makakuha ng trabaho upang guminhawa ang kanilang buhay. Kaya naman isang success story ang aming ibabahagi sa artikulong ito.




Si Rebecca Bustamante-Mills ay isang Filipino housemaid noon na naging successful na sa kanyang buhay ngayon. Ayon sa kanya, hindi maganda ang kanyang buhay noong siya ay bata pa. Labing isa silang magkakapatid at 18 na taong gulang lamang siya noong sumakabilang buhay ang kanyang Ina. Hindi naging madali ang buhay ni Rebecca kaya naman umalis ito sa kanyang hometown sa Dasol, Pangasinan at nagtrabaho sa isang factory sa Bataan.





Walang stable na trabaho ang kanilang Ama. Kaya naman naisipan ni Rebecca na mag-trabaho bilang isang Domestic Helper sa Singapore taong 1986. Sa kanyang tatlong taong pagtatrabaho, isinabay ni Rebecca ang pag-aaral ng Accounting sa Open University of Singapore Institute of Management. Nakapagtapos siya ng undergrad nang hindi nalalaman ng kanyang mga katrabaho.

Upang makaipon ng sapat na pera para sa kanyang pamilya, naisipan ni Rebecca na magtrabaho bilang isang katulong sa Canada ng apat na taon habang tinatapos niya ang Accounting and Marketing sa Ryerson University in Ontario.

Hindi mo aakalain na ang dating housemaid na ito ay isang CEO na ngayon.

 



To earn more money for her family, Bustamante then decided to work as a nanny in Canada for almost four years while pursuing her graduate studies in Accounting and Marketing at Ryerson University in Ontario.

Upang magkaroon ng saya ang kanyang buhay, pinilit siya ng kanyang kaibigan na makipag-date sa isang businessman na si Richard Mills. Inamin ni Rebecca na hindi ito naging honest sakanya sa una dahil nahihiya siya sa kanyang family background at pagiging kapos sa buhay. Subalit matapos ang ilang date, Ipinakilala ni Richard si Rebecca sa kanyang mga magulang.



Dinala ni Rebecca si Richard sa Pilipinas at ipinakilala din nito sa kanyang pamilya. Noong siya ay edad 31, nagpakasal ang dalawa at nagkaroon sila ng dalawang anak na lalaki.

Umangat sa buhay si Rebecca dahil natulungan siya ng kanyang asawa at nagamit niya ang kanyang pinagsikapan na pinag-aralan sa larangan ng business. Kaya naman ang dating Filipino housemaid lamang ay isa ng CEO ngayon.

Hindi nagpatinag si Rebecca sa ano mang dagok ng buhay dahil alam niyang may patutunguhan ang lahat ng kanyang pinaghirapan. At nagbunga nga naman ang lahat ng kanyang hardwork at effort.