Top 5 na may Pinakamagandang Mountain Views sa Pilipinas

Napakaganda nga naman talaga ng Pilipinas dahil mayaman ito sa mga crystal clear na dagat, mga nakakamanghang waterfalls, at mga bundok na may magagandang tanawin.
Isa sa pinaka magandang experience na kadalasang ginagawa ng mga Pinoy ay ang pag-mountain hiking at climbing sa mga bundok. Ang mga bundok sa Pilipinas ay mayroong breathtaking views na tiyak na ikakaproud mo kung nakita mo ito.




Kaya naman sa artikulong ito, ibabahagi namin sa inyo ang sampu sa pinaka incredible mountains na may jaw-dropping views:

Ang tinatawag na beautiful disaster na Mount Pinatubo ay isa sa pinaka sikat sa Pilipinas. Ang inakala ng maraming tao noon ay isa lamang itong bundok subalit nang ito ay pumutok noong 1991, maraming tao ang naapektuhan dito at maraming buhay ang mga nawala dahil dito. Pagkatapos ng ilang taon, isa na itong tourist destination dahil sa napakagandang views nito. Hindi mo nga naman aakalain na may ganitong kagandang tanawin ang Mount Pinatubo.




2. Mount Apo

Kilala ang Mount Apo bilang isang pinakamataas na bundok sa Pilipinas. Mayroon itong tatlong crater at peaks. May iba’t ibang trails ang Mount Apo at ibai’t iba ang difficulty level nito para sa mga climbers. Marami ang nagpupunta dito dahil sa mga tanawin na makikita habang paakyat ng Mount Apo.



3. Mount Pico De Loro

Ito ang kadalasang pinupuntahan ng mga kabataan ngayon dahil sa kakaibang trails at view ng Pico De Loro. Mayroon itong tinatawag na Monolith o Parrot’s Beak kung saan ito ang top destination para sa mga mountain climbers dahil sa thrilling na experience kapag ikaw ay naka akyat dito.



4. Mount Pulag

Ang Mount Pulag ang isa sa pinaka mataas na bundok sa buong Luzon. Ito ay tinatawag din na “The Playground of the Gods” dahil sa breathtaking views nito na parang ikaw ay nasa langit. Ayon sa mga hikers, mayroon itong mahabang trail subalit kapag nakaakyat ka dito, makikita mo ang 360 views ng Cordillera.
5.  Mount Ulap

Isa pang napakagandang mountain na makikita sa Southern portion ng Cordillera. Ang mga tao na sinubukang akyatin ang bundok na ito ay humanga at nais pang balikan dahil sa ganda at breathtaking pines na malalanghanp mo habang ikaw ay paakyat nito.