Janitor sa Umaga, Estudyante sa Gabi: Inspiring Kwento ng Janitor sa La Salle na Nakapagtapos nang kanyang Kurso Kahit na ito ay Naglilinis Lamang ng Hallways Tuwing Umaga sa Paaralan

Hindi mo lubos aakalain na ang isang Janitor sa eskwelahan ng De La Salle University Saint Benilde ay nakatapos ng kanyang pag-aaral kahit na ito ay naglilinis lamang ng hallways at humahabol sa kanyang klase mula 6pm hanggang 9pm.

Ang dakilang estudyante/Janitor na ito ay si Emmanuel Ricalde. Isang Proud na Janitor ng eskwelahan kung saan nakapagtapos din siya dito ng kursong Bachelor of Science in Business Administration. Matapos ang apat na taon niyang serbisyo, naabot ni Emmanuel ang kanyang pinaghirapan.




Nag-asawa ng maaga si Emmanuel kahit na hindi pa ito nakapagtapos ng pag-aaral. Subalit nagsumikap siya nang ito ay makapasok sa eskwelahan bilang Janitor noog 2014. Nalaman ni Emmanuel na tumatanggap ng scholarship ang eskwelahan para sa mga working students kaya naman nag-pursige ito at tinanggap ang opportunidad.

Ayon sa kanya, sa tuwing tinatanong ang kanyang anak kung ano ang trabaho ng kanilang tatay, proud ang bata na sabihin na siya ay isang Janitor. Ang pagkakaintindi ng kanyang mga anak ay may maganda itong trabaho katulad ng magulang ng kanilang mga kaklase, subalit hindi nila alam kung ano ang hirap ang pinagdadaan nito.




Tuwing umaga ay isa siyang Janitor na taga linis ng hallways ng eskwelahan, habang tuwing gabi naman ay isa siyang estudyante. Kwento ni Emmanuel, sa tuwing uuwi siya ay hindi na niya maaabutan ang kanyang pamilya dahil mahimbing na ang tulog ng mga ito at paggising naman nila ay wala na ito dahil kinakailangan ni Emmanuel na bumyahe ng 3 AM papunta sa kanyang trabaho.





Subalit hindi nagpatinag si Emmanuel kahit gaano man kahirap ang kanyang pinagdaanan. Mayroon siyang naging kaibigan na tumulong sakanya na matapos ang kanilang Thesis at matugunan ang natitirang pangangailan ni Emmanuel para sa kanyang Thesis project.

Noong nakaraang June 2018, nakapagtapos si Emmanuel at sabay itong nakakuha ng Diploma sa kanyang kurso. Naging proud ito sa kanyang sarili dahil sa kanyang effort at hardwork na makapagtapos.




Talaga nga namang inspiring ang mga ganitong kwento na kahit gaano kahirap ang buhay ay hindi sila nagpapatinag sa ano man na pagsubok na haharap sakanila. Anong masasabi niyo dito? Mayroon ba kayong kilala na may ganitong mga inspiring na istorya? I-kwento niyo sa amin!