Buong Pusong Tumutulong ang Jeepney Driver na ito na Bigyan ng Baon at Libreng Sakay ang mga Estudyanteng Walang Kaya sa Buhay

Talaga nga naman may mga busilak ang puso na mga tao tumutulong sa kanilang kapwa kahit walang kapalit.Dito mo makikita na hindi padin pala nauubos ang mga taong may puso. Tulad nalang ng isang Jeepney Driver na ito na buong pusong tumutulong sa mga estudyante na hirap sa pera. Siya ay nagbibigay ng libreng sakay sa mga bata at nag-aabot ng kaunting baon o allowance sa kanyang naisasakay na estudyante sa tuwing siya ay bumabyahe.



Nag-viral ang post ni Gener GV Victor Garcia nang ibahagi niya sa Social Media ang kanyang nakita habang ito ay nakasakay sa Jeep. Isang driver ang nagpakita ng kabutihan sa mga estudyanteng kanyang naisasakay.

Ayon sa nagbahagi ng post, sumakay si Gener kasama ang kanyang pamilya sa jeep papunta SM Bacoor at may biglang walong estudyante ang sumakay at tinanong ang driver kung libre sila at pumayag ang driver na isakay ang walong estudyante ng walang bayad.



Nung nakababa na ang ibang estudyante, may naiwan na dalawa sa jeep at tinanong ni Manong kung siya ba yung binigyan niya ng baon noong umaga. Sumagot ito ng oo at sinabi muli ng driver na kung sakaling makasakay siya sa mga susunod na araw ay bibigyan niya daw ulit ito ng baon o allowance at ililibre sa pasahe sa Jeep.



Nagulat si Gener dahil sa kabutihang ginawa ni Manong Driver kaya naman hindi niya napigilan ang kanyang sarili na ibahagi ito sa Social Media upang maging proud ang ibang netizen sa busilak nitong puso.

Talaga nga namang may mga taong taos pusong tumutulong sa iba kahit walang kapalit.Ang maikling istorya na ito ay nakainspire ng maraming netizens dahil ayon sa kanila, hindi kailangan na maging isang mayaman ang tao upang makatulong, kahit sino pwedeng tumulong mahirap man o mayaman nasa pag-uugali pa din ang pagiging busilak ang puso.



Anong masasabi niyo dito mga Pinoys? Kung may ganito kayong mga istorya, maaari niyong ibahagi ito sa amin upang mainspire ang ibang tao.