Limang Tipid Tips na Dapat Mong Malaman Upang Makatipid

Marami nga naman sa atin ang nahihirapan magtipid dahil sa napakamahal ng mga bilihin sa ating panahon ngayon. Madalas ang ating sweldo o sahod ay nagkukulang dahil hindi natin namamalayan na ganun nalang pala kadali at kabilis na maubos ang ating pera.

Kaya naman sa artikulong ito, ibabahagi namin sa inyo ang ilang Tipid Tips na maaari niyong gawin upang makatipid sa araw-araw:




1. Magdala ng baon paminsan-minsan

Hindi naman mahirap na magdala ng baon paminsan minsan lalo na kung ikaw ay pwede namang magluto sa iyong bahay o nirerentahan na apartment. Alam niyo ba na isa sa pinakamagastos na bilihin ay ang pagkaing nabibili natin sa labas? Bukod na sa mahal ito, hindi pa natin alam kung malinis ba ito. Kaya naman ugaliin ang magbaon kahit paminsan minsan lamang at tiisin na huwag bumili muna sa labas.




2. Iwasan ang pagbili ng softdrinks, kape o anu mang inumin sa labas

Ang mga drinks na nabibili sa malls o restaurant ay isa sa dahilan ng pagkaubos ng ating pera. Huwag ninyong ugaliin na bumili ng drinks sa mga kinakain na restaurant dahil nakakadagdag ito sa inyong bill. Mainam padin na magdala tayo ng sarili nating tubig.

3. I-budget ang inyong gastusin araw-araw



Isa ito sa pinaka importanteng paraan para makatipid. Kailangan nating isulat ang ating mga gastusin na kailangan bayaran o bilhin upang nakikita natin kung saan lamang napupunta ang ating pera. Sa pamamaraan na ito, makikita mo na may mga binili ka na hindi mo naman talaga dapat kailangan.

4. Kung sakaling kakain sa isang restaurant, piliin ang pinakamurang pagkain na akma sa inyong panlasa

Isa itong tip na kailangan ninyong sundin. Kadalasan dahil sa ating gutom, pag tayo ay kakain sa isang restaurant ay hindi na tayo nakakapagisip ng mabuti at ang ating pinipiling pagkain ay mga pagkain na mahal. Kaya naman sa susunod na tayo ay kakain sa labas, dapat isipin nating mabuti kung mahal ba ang ating kakaining pagkain.

5. Huwag bumili ng kung ano ano lang

Ito ay para sa mga taong mahilig bumili ng mga bagay na hindi naman talaga nila kailangan. Iwasan ang pagpunta sa mallls dahil dito tayo natetempt na bumili ng mga bagay na hindi naman natin kailangan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *