“Musta. Miss na Kita. Pautang” Ito ang mga Pambungad na Linya ng Isang Netizen na Pilit Umuutang sa kanyang Kaibigan at Pagkatapos ay Siya pa ang Nagalit Dahil Hindi Ito Pinahiram ng Pera

Nakakainis nga naman ang mga taong madalas na manghiram ng pera lalo na kapag sila pa ang nagagalit sayo kung hindi mo sila nabibigyan o napapahiram ng gusto nilang halaga. Maraming ganitong klaseng tao na ating makakasama sa ating buhay kaya naman dapat matuto tayong huwag masyadong tumulong o maging mapagbigay dahil napakarami na ng manloloko ngayon sa mundo.

Isang kwento ang ibabahagi namin sainyo tungkol sa isang ‘kaibigan’ na pilit ng pilit na humiram ng pera sa kanyang kakilala. Ibinahagi ni Anna May sa Social Media ang kanyang karansanan nang isa sa tinuturi niyang kaibigan ay nanghiram ng pera sa kanya at nang hindi niya ito napahiram, mas galit na galit pa ito sakanya.


Dahil sa hirap ng buhay, tinanggihan ni Anna May ang hinihiram nito at sinabi niya na isang libo lamang ang kanyang kayang ipahiram. Subalit walang tigil na namimilit ang kanyang ‘kaibigan’. Kinukumbinsi pa na siya raw mayaman naman kaya kayana-kaya niya itong pahiramin ng 6k.



Dahil sa inis, hindi na napigilan ni Anna May na sabihin dito na hindi niya kaya ang hinihiram na halaga ng pera. Subalit laking gulat na lamang niya ng nagalit umano ang kanyang kaibigan at minura-mura pa ito habang sinasabihan ng ‘madamot’.

Pagkatapos ng kanilang usapan ay nagpost pa ang kanyang ‘kaibigan’ tungkol kay Anna May na may caption na, “Mag-iingat sa taong ito ang pangalan niya ay Anna May. May masama ugali, mayabang! Walang kwentang kaibigan ang taong ito mag iingat kayo. Pm me kung gusto niyong malaman kung bakit.”

At dahil dito, ibinahagi din ni Anna May sa Social Media ang kanilang totoong usapan tungkol sa panghihiram ng pera ng kanyang ‘kaibigan’.

Umani ng napakaraming komento ang ‘screenshot’ ng kanilang usapan at maraming netizen ang nakarelate dito. Kaya naman paalala ng iba, huwag tayo basta bastang nangangako o nagpapahiram sa iba lalo na kung hindi naman natin talaga ito kilala.

May naranasan na ba kayong ganito? Ikwento niyo sa amin upang makarelate din ang iba!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *