Tinagurian siyang ‘Mcdonalds Goddess’ dahil sa kanyang Napakagandang Mukha na Kinahuhumalingan ng mga Netizens

Kilalang kilala ang Mcdonalds Fastfood Chain sa buong mundo at mayroon itong libo-libong branches sa iba’t ibang kontinente ng mundo kaya naman pag sinabing ‘Mcdonalds’ ay alam agad ng isang tao kung ano ito.




Kung mayroong Ronald Mcdonald na Mascot sa mga Mcdonald’s branch, mayroon namang tinatawag na ‘Mcdonald’s Goddess’ sa bansang Taiwan na kilala dahil sa kanyang napakagandang katawan at mukha.

Pinagkakaguluhan ang babaeng ito dahil sa hindi karaniwan sa mga Mcdonald’s Fastfood chain ang magkaroon ng napakaganda at napakasexy na cashier. Kadalasan ang mga cashier o waiter sa Mcdonalds ay nakasuot lamang ng simpleng uniform sila ay makagalaw ng mabuti at maging presentable sa kanilang customers.




Habang isang Mcdonalds crew naman ang nagpa-init sa Social Media dahil sa kanyang angking ganda at nakakalulang hubog ng kayang katawan. Siya ay si Wei Han Xu o Weiwei, isa itong Taiwanese blogger na nagtatrabaho bilang isang crew sa Mcdonalds.

Ang mga Mcdonald’s Taiwan branch ay kadalasang naghihire pala ng mga magagandang babae at nirerekomenda sakanila na magsuot ng iba’t ibang costume na makakaattract sa mga customers.



Maraming nabighani sa ganda ni Weiwei dahil ito ay mayroong bilugan na mga mata, magandang kutis, payat na pangangatawan at magandang ngiti na siyang nakakapagpadami ng kanilang mga customers. Kadalasan itong nagbibihis na parang ‘cartoon maid’ na nakasuot ng maiksing palda, mataas na heels at pink-and-white na damit.

Sa kanyang television appearance, ibinahagi ni Weiwei na kadalasan nagagalit ang kanyang manager sa tuwing mayroong mga taong pumipila sakanya subalit hindi naman bibili sa kanilang fastfood chain. Subalit madalas naman na mas dumadami ang kanilang customers dahil gusto ng ibang tao na makita ang ‘Mcdonalds Goddess’ na ito na may napakagandang mukha.

Nakilala si Weiwei sa Social Media at maraming netizen ang nabighani sa ganda nito. Kilalang kilala na ngayon si Weiwei bilang isang ‘Mcdonalds Goddess’ sa Taiwan na kadalasang dinadayo ng mga Taiwanese boys upang masulyapan ang napakaseksi na crew staff na ito.



Anong masasabi niyo dito? Siya na nga ba ang isa sa pinaka magandang Fastfood chain Crew?