Mahilig ba kayong bumili ng scented candles para sa inyong mga bahay? Alam niyo ba na delikado pala ang mga kandila na ito lalo na kapag sila ay nakasindi at naiwan ng ilang oras sa inyong bahay?
Isang kwento ng Nanay na mahilig bumili ng mga scented candles na kanyang isinisindi sa loob ng bahay upang magkaroon ng mabangong amoy ang bahay. Subalit hindi niya inaasaahan, iniwan niya ang kandila ng nakasindi ng ilang oras sa loob ng kanyang bahay.
Dalawang scented candles ang kanyang sinindihan upang mas magkaroon ng mabangong amoy ang bawat sulok ng kanyang bahay. Umabot ang mga scented candles anim hanggang pitong oras na nakasindi. Kinabukasan, napansin niya na mayroon siya black spots sa kanyang ilong. Subalit hindi niya ito pinansin.
At nang pinapakain niya ang kanyang sanggol, napansin niya na mayroong itim o black spots sa loob ng ilong ng bata. Kaya naman dali dali niya itong nilinisan ang ilong ng kanyang anak gamit ang saline solution. Subalit hirap siya sa pagtanggal ng black spots na ito.
Binasa niya ang label ng kanyang nabiling scented candles at nakalagay dito na hindi pwedeng iwanan ito ng nakasindi ng mahigit tatlong oras.
Ang mga scented candles pala ay gawa sa paraffin wax kung saan mayroon itong toxic benzene at toluene kapag ito ay sinindihan. Ang mga toxins na ito ay kagaya ng mga toxins na makikita sa mga diesel fuel fumes na hindi maganda para sa ating kalusugan.
Ang mga kandila na ito na may scent ay kapag nasindihan, sila ay nagrerelease ng kemikal na nakakapagdulot ng indoor air pollution na maaaring malanghap ng bawat tao sa loob ng bahay.
Mayroon din itong formaldehyde kung saan nakakapagpalala ng breathing problems at nakakapag iritate ng tissues sa loob ng ating respiratory tract. Ito ay maaaring makapagsanhi ng pagsusuka at burning sensation sa ating mata o ilong.
Ibinahagi ng Ina na ito sa Social Media upang maging aware ang mga netizens sa mga gumagamit o mahilig bumili ng scented candles. Maaari kayong bumili pero huwag itong iiwanan ng nakasindi ng mahigit dalawang oras upang hindi masunog ang scent nito at magrelease ng kemikal na delikado para sa ating kalusugan.