Isang kwento ng Ina na nagngangalang Lani ang nahiwalay sa kanyang dalawang magagandang anak na babae ng mahigit na 40 na taon. Siya ay nakatira sa Thailand at nakilala niya dito ang isang U.S. Air Force Officer kung saan nakadestino ang lalaking ito nooong Vietnam War. Na-inlove sa isa’t isa ang dalawa at naisipan nilang magpakasal sa Ohio.
Nagkaroon ito ng anak na babae na may pangalang Jeannie at sumunod naman ang isang baby girl na pangalana na Starla noong sila ay lumipat sa Oxford England.
Subalit nagkaroon ng problema ang dalawa at naisipan nilang maghiwalay. Hirap sa pagsasalita ng ingles si Lani kaya naman nahirapan itong intindihin ang kanilag divorce agreement tungkol sa kanilang dalawang anak.
Tatlong taong gulang pa lamang ang kanyang panganay ng napunta ito sa kanyang asawa at doon na sila lumaki kasama ang kanilang Ama.
Sa loob ng 40 na taon, hinahanap ng mga bata at ni Lani ang isa’t isa subalit sadyang mapaglaro ang tadhana at hindi nila natagpuan ang bawat isa. Isa pang dahilan kung bakit hindi sila nagkita ay dahil ayaw sabihin ng kanilang Ama ang tungkol sa kanilang biological mom.
Isang araw, nakatanggap ang bunsong anak na babae ng isang mensahe sa Faceboook galing sa Netizen na si Mark Szarmach. Ito ang pangalawang asawa ni Lani at sinusubukan nitong hanapin ang kanilang anak.
Sinubukan hanapin ng lalaking ito ang pangalang Starla at Jeannie subalit ang kanyang nakita lamang ay ‘Jeannie Toomey’. Laking gulat niya ng makita nito ang isang litrato ng dalawang batang babae sa Facebook Account na ito.
Ayon sa lalaki, binuksan niya ang photo album sa Facebook account na ito at nagulat siya ng makita niya ang larawan ng baby picture ng dalawang bata. Parehas ang larawan na hawak ni Lani sa larawang nakita ng lalaki na ito sa Facebook.
Matapos ang 40 na taon, nakipagkita ang mga ito sa mga bata at nagpakilala bilang kanilang Ina. Muling nagkasama ang dalawang batang babae sa kanilang long-lost mother na si Lani. Ang lungkot na nababalot sa mga ito ay napalitan ng saya at excitement dahil sa wakas, matapos ang 40 na taon ay nakita na nila ang isa’t isa sa tungkol ng kanyang pangalawang asawa at sa tungkol ng Facebook.
Laking pasasalamat nila dahil nadiskubrehan nila ang facebook account ng mga bata na siyang nagdulot ng kanilang muling pagsasama matapos ang napakahabang panahon na sila ay nawalay sa isa’t isa.
Anong masasabi niyo dito? Heartbreaking ang ganitong klaseng sitwasyon subalit laking pasasalamat ni Lani na kinaya niya ang lahat at natiis niya ang lahat nang nawalay ang kanyang mga anak. Natouch ba kayo sa kwento na ito?