May Mas Malala pa Pala sa Lrt sa Ating Bansa! Ganito Kagrabe ang Pag Commute sa Tren ng India

Sa Pag-commute at pagbiyahe ay maraming mga balakid ang maaaring maranasan ng bawat Pinoy sa Pilipinas. Nariyan ang traffic, pakikipag-unahan sumakay sa sasakyan dahil sa marami rin ang naghihintay ng masasakyan, late ka na sa pupuntahan mo hindi ka pa nakakasakay, nananakawan at minsan nasisiraan pa ang iyong sinasakyan. Iilan lamang sa nabanggit ang mga madalas na maranasan ng mga tao tuwing nagcocomute.




Naging issue sa ating bansa ang hirap sa pagsakay ng LRT sa Maynila dahil sa dami ng tao na sumasakay nito araw-araw. Maraming Pinoy ang nakarelate sa ganitong sitwasyon kung saan napakahirap ng mag commute sa Pilipinas, Ngunit alam niyo ba na mayroon pa palang mas malala na bansa kaysa sa atin?

Nag-trending sa Social Media ng makuhanan ang litrato ang mga taong nagcocommute sa tren ng India. Makikita sa larawan na kumpol-kumpol ang mga taong nag-aabang upang makasakay lamang sa tren. Hindi na nasusunod ang pila dahil lahat ng tao ay naguunahan ng makapasok sa loob ng tren.


May ilan ang nakasabit na lamang sa rails ng tren para lang makapunta na sila sa kanilang mga destinasyon. Halos 23 million na pasahero na ang sumasakay dito kaya naman overcrowded na ito ano mang oras.

Ang tren na ito sa India ay isa sa pinaka oldest train sa buong mundo na nagawa noong 1855. At halos ng populasyon dito ay sumasakaya araw-araw sa tren na ito papunta sa kanilang mga trabaho. Makikita na nagdadagsaan ang mga taong sumasakay nito upang mapabilis lamang ang pagbyahe sa kanilang pupuntahan. Mayroong mga matatandan na pinipilit pa rin makipagsabayan para lang makasakay.

Ika nga ng iba, mas malala pa ito sa Pilipinas. Kung sa Pilipinas ay nakakasakay pa naman ang ilang mga tao basta marunong maghintay, dito sa India ay kailangan mo pa na makipagsapalaran para lang makasakay.

Bukod sa hirap sa pagsakay nito, napakadelikado pa nito sa lahat dahil maaaring aksidenteng at maitulak ang sinuman o kaya naman ay mahulog habang sila ay nakasabit sa labas ng tren. Sa pakikipagbaka sa mga dami ng taong naroon ay maaaring magka-injury dahil sa pakikipag unahan, manakawan dahil sa siksikan, at mawalan ng malay ang tao dahil sa sikip.



Hindi rin alam kung yung mga tao bang kailangan na bumaba na ay nakakalabas pa dahil sa mga taong naguunahang makasakay para hindi mahuli sa kanilang mga lakad.



Isa itong delubyo para sa mga tao sa India dahil sa hirap na nga ng buhay ay ganito pa ang sistema ng kanilang transportasyon na pinagdadaanan araw-araw. Ano masasabi niyo dito? Kung akala natin ay malala na sa Pinas, mayroon pa palang mas malala dito at yun ay ang bansang India.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *