Pinalayas ng Waitress na Ito ang Isang Pulubi na Matanda na Pumasok sa Mamahaling Restaurant na Kanyang Pinagtatrabahuhan Subalit Hindi Niya Inaasahan na Ganito ang Mangyayari Sakanya

Isang Inspiring story ang ibabahagi namin sa inyo na tiyak na may mapupulot kayong moral lesson mula dito. Naniniwala ba kayo sa mga katagang ‘Do not judge a book by its cover’? Isa ba kayo sa mga mahilig manghusga ng iyong kapwa? Madalas ba kayong humusga ng iba kahit sa inyong isip lamang? Kung ganun, para sa inyo ang maikling kwento na ito.

May isang napakagandang waitress ang nagtatrabaho sa isang mamahaling restaurant. Siya ang pinaka magaling at pinaka magandang waitress ng restaurant. Lahat ng kanyang pinagsisilbihan ay halos mga bigating mga customer na binibigyan siya ng napakalaking tip at umaabot ng 1,000 usd ang kanyang sahod bilang isang best waitress sa five star restaurant na ito.




Subalit isang araw, may pumasok na isang matanda sa restaurant na nakasuot ng lumang damit at sapatos. Umupo ito sa isang table at tinawag ang waitress na ito. Nilapitan naman agad siya ng waitress at tinanong kung ano ang kailangan nito.




Humingi ng tubig ang matanda dahil siya ay uhaw na uhaw na. Ngunit tinanggihan ito ng waitress dahil ang alam nito ay walang pera na pambayad ang matanda at sinabihan niya ito na hindi niya kayang bayaran ang tubig sapagkat ito ay isang mamahaling restaurant. Muling sinabi ng matanda na hihingi lamang siya ng tubig pagkatapos ay bibili na siya sa kanilang restaurant.

Subalit nairita ang babae at tuluyang pinaalis na lamang ito dahil ang akala niya ay wala itong pambayad sa pagkain na kanyang oorderin.

Tumayo ang matanda at humarap sa waitress sabay sabi ang katagang ‘Do unto others as you would have them do unto you. Treat others like the way you want to be treated’. Umalis ito at hindi na muling pinansin ng waitress ang sinabi ng matanda sakanya.

Kinabukasan, ipinaalala ng manager na darating ang director at may-ari ng restaurant kaya naman sinabihan niya ang kanyang crew na kailangan nilang mag-ayos. Dali-dali namang nag ayos ng buhok ang waitress dahil gusto siyang makilala na ‘best waitress’ sa restaurant na ito.

Pag dating ng may-ari ng restaurant, ipinatawag ang waitress at laking gulat nito ng makita niya na ang owner ng restaurant ay ang matanda na kanyang pinalayas. Humingi ito ng tawad sa owner subalit huli na ang lahat, dahil sa ipinakitang ugali ng waitress sakanya ay tinanggalan niya ito ng trabaho dahil hindi marunong rumespeto ang babae.

Ang moral story sa kwentong ito ay dapat huwag tayong humusga sa ating kapwa. Kahit ano man ang estado ng kanilang buhay ay dapat pantay-pantay ang trato natin sakanila dahil sila ay isang tao rin naman na kailangan din respetuhin. Aanhin mo ang mataas na sweldo at magandang titulo sa iyong pangalan kung hindi ka naman marunong rumespeto at tumingin ng pantay-pantay sa ibang tao.

Anong masasabi niyo dito? May napulot ba kayong mensahe mula sa maikling istorya na ito? Maaari ninyong ibahagi sa amin ang inyong reaksyon at kung mayroon kayong mga inspiring story na gusto ibahagi, maaarikayong magcomment sa amin!

Disclaimer: All pictures shown are for illustration purpose only

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *