Tiniis Niyang Tumayo sa Loob ng Tren Upang Makaupo ang Isang Matanda, Subalit Naluha ang Marami ng Nalaman Nila ang Kanyang Kondisyon

Mayroon talagang mga tao na sadyang matulungin kahit gaano man ito kahirap para sakanila. May mga taong sadyang busilak ang mga puso pagdating sa kanilang kapwa. Tulad ng isang kwento ng babae na ito na walang reklamo na magbigay ng upuan para sa isang matanda.

Ayon sa kwento, sumakay ang isang matanda sa isang tren at naghanap ito ng upuan kahit ang kanyang ticket ay ‘standing ticket’ lamang. May nahanap itong bakanteng upuan at inisip niya na baka hindi naman sasakay ang may-ari ng upuan na ito kaya naman umupo na lamang siya dito.




Habang may isang babae naman na halos hirap maglakad dahil na rin sa puno ang tao sa loob ng tren. Tumayo na lamang ito sa harap ng matanda na nakaupo. Sinabihan pa ito ng matanda na kailangan sa susunod sumakay siya ng mas maaga upang siya ay makaupo. Subalit hindi na lamang ito pinansin ng babae.

Nang malapit ng bumaba ang matanda, pinaupo na lamang niya ang babae sa kanyang upuan upang hindi ito nakatayo sa kanyang byahe.




Lumapit ang konduktor sa babae at tinanong nito kung bakit siya nakatayo samantalang ang kanyang biniling ticket ay nakareserve para sa kanyang upuan. Subalit ang sinabi na lamang ng babae na mas kailangan ng upuan ng matanda dahil siya ay 70 years old na at hirap nang nakatayo.

Naantig ang puso ng konduktor dahil sa sagot ng babae kaya naman hinanapan niya ito ng magandang upuan. Marami ang nakarinig sa sinabi ng babae at nang ito ay tumayo, mayroon siyang kinuha sa ilalim ng kanyang upuan at laking gulat na lamang ng ibang tao na nakasakay sa tren na ang babae pala ay hindi makalakad kung saan kailangan pa nito ang kanyang saklay upang makalakad papunta sa kanyang destinasyon.



Marami ang na-touch sa ginawang kabutihan ng babae na mas tiniis pa nitong nakatayo para makaupo at hindi mahirapan ang matanda kahit na ang inuupuan nito ay ang ‘seated ticket’ na binili ng babae.




Sa ganitong pagkakataon, makikita mo talaga ang isang tao kung mayroon siyang busilak na puso. Ang nasa isip ng babae ay mas kaya niyang tiisin ang hirap kahit siya ay pilay kaysa sa matandang hirap ng makalakad at tumayo sa loob ng masikip na tren.

Anong reaksyon dito? Na-touch ba kayo sa ginawa ng babae? Hindi niyo ba akalain na minsan ay mas may mabuting loob pa ang mga taong may kapansanan kaysa sa mga ibang tao na kumpleto ang kanilang pangangailangan. Isa itong moral lesson para sa atin na maging matulungin at mapagpasensya sa lahat ng pagkakataon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *