Tumira ang Lalaking Ito sa Isang Isla ng Mahigit 30 na Taon na Siya Lamang ang Tao Dito!

Ang sarap sigurong mabuhay sa isang napakagandang isla lalo na kung kasama mo ang iyong mga mahal sa buhay. Subalit alam niyo ba na ang isang lalaki na ito nakayang tumira sa napakagandang isla subalit siya lamang ang iisang tao na nakatira dito?




Si Mauro Morandi ay 78 years old na at namumuhay ng payapa sa isang isla ng mahigit 30 na taon na ang nakakalipas. Ayon kay Mauro, napadpad siya sa islang ito nang nasira ang bangka na kanyang sinasakyan habang ito ay nagsail sa Italya.

Nang mapadpad siya sa isang isla ng italya na ito, naisipan niyang tumira dito sapagkat nakita niya ang napakaganda at payapa na lugar na ito.

Na-inlove siya sa isla na ito kahit na siya lamang ang natitirang tao na nakatira dito. Sa kanyang araw araw na pamumuhay, kumukuha ito ng mga sangka ng puno at siyang kina-carve sa iba’t ibang disenyo. Ibinebenta niya ang kanyang mga woodworks sa mga turistang napaparayo sa islang ito at ang pera naman ay napupunta sa mga organisasyon sa Africa.

Madalas din itong gumigising at nagmemeditate habang tanaw ang napakagandang dagat tuwing umaga. Ang kanyang past time naman tuwing hapon ay ang pagpitas ng kanyang mga itinanim sa likod ng kanyang maliit na bahay.




Kaunti lamang ang mga turistang pumupunta sa islang ito kaya naman madalas itong tahimik at kalmado. Kahit na ito ay walang kausap araw-araw, masaya siya na ang kanyang nakakasama ay ang mga hayop na nasa isla.

Ayon kay Mauro, mas ginusto niyang mamuhay ng tahimik dito dahil nakita niya na tila isang paraiso ang islang ito kung saan malayo sa mga stress at polusyon.



Subalit nabulabog ang tahimik niyang buhay nang muntik ng palayasin ng Italain Goverment si Mauro mula sa islang ito. Laking pasasalamat niya ng nakansela ang pagpapalayas sakanya dahil maraming tao hindi sumang-ayon dito.

Mas lalong ginanahan si Mauro na tumira ng tahimik sa isla at wala na siyang plano na umalis pa mula dito. Ayon sa kanya,hanggang sa kanyang huling hininga ay nais niyang mamuhay sa paraisong ito.