Isang 10 Year-old na Batang Babae ang Tinitiis Magtrabaho sa Construction Site Upang Makatulong sa Kanyang Lola at Lolo na Hirap na sa Pagtatrabaho!

Madalas tayong nakakaramdam ng pagod sa araw araw nating gawain at minsan napagbubuntunan pa ng hinanakit ang mga nakapaligid sa atin, pero kakaiba ang isang batang sampung taong gulang pa lamang na ito na hindi man lang makakarinig ng reklamo sa kanya sa kabila ng hirap na nararanasan.




Sa henerasyon ngayon halos araw araw nating napupuna ang ilang murang edad pa lamang na bata ay tutok na sa kani-kaniya gadget imbis na lumabas lang ng bahay upang maglaro at mag-saya. Minsan naman ay natutuwa tayo at sa kanila kumukuha ng lakas dahil na rin nakikita natin silang inspirado kung mag-aral.Subalit habang maraming bata ang may magandang buhay, ganoon din karami ang mga bata na hirap sa buhay.



Narito ang isang litrato ng babae na nagtatrabaho at nakakaya pa rin ngumiti kahit gaano na kahirap ang kanyang buhay. Hindi lamang ito basta-basta na trabaho dahil tinitiis niya ang sikat ng araw kasabay ng pagbubuhat ng mabibigat na gamit sa construction site.

Sumakabilang buhay umano sa isang aksidente ang kanyang ama at ang ina naman ay iniwan nalang siya para magpakasal sa ibang lalaki, kaya naman siya nalang ang natira sa pamilya para alagaan ang kanyang mga lolo at lola. Minsan nagbibigay ang gobyerno ng monthly subsidies at pension sa matatanda pero hindi ito sapat para matustusan ang pangangailangan nila kaya naman nagtratrabaho siya. Kaya naman sa isang construction site malapit sa kanilang tinitirahan siya napunta at naisipang magtrabaho kahit walang permiso mula sa mga tagapangalaga, at naawa ang site manager matapos marinig ang naranasan ng bata sa buhay kaya naisipan niyang tulungan ito sa pamamagitan ng pagtutulak o paglilipat ng mga bakal o mga bricks dahil iyon ang pinakamadaling gawin sa construction site.

Hindi lamang ito nakakabilib kung hindi nakakaantig rin ng puso dahil kung titignan, isa siyang batang babae na hindi alintana ang pagod para lamang sa kanyang lolo at lola. Hindi rin ito napipilitan dahil matapos ang trabaho, palagi raw siyang ngumingiti at sasabihing, okay lang ito basta mabigyan ang kanyang lola ng pambili ng mga gamot at mabayaran ang medical bills nito.

\Nakikita palang natin ang mga mas nakatatanda sa kanyang nagtratrabaho sa construction site ay hirap na hirap na, paano pa kaya kapag itong batang babae na ang iyong mapansin?


Sana’y mainspire lahat sa magandang aral na maihahatid sa atin ng batang ito dahil inilalahad niya sa atin na kahit gaano pa man kahirap ang ating ginagawa, hindi alintana ang sakit ng katawan, edad at kasarian basta makatulong tayo sa ating mga minamahal.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *