Karaniwan na sa atin ang mga sabi-sabi o mga kwento ng iba’t ibang kababalaghan. Maaaring ito ay kathang isip lamang o maaari din katotohanan.
Iyon ay kung ano ang naaayon sa iyong paniniwala. Ang isang parte na lugar ng Pilipinas sa Samar ay may kwentong lumalaganap. Tungkol ito sa Biringan City sa Samar na kung saaan ang islang ito ay misteryoso at kung saan ay bigla na lamang itong nawawala.
Ang bayan ng Biringan City ay kilala sa lokal ngunit misteryoso sa mga gustong mahanap ito. Ang bayan ba na ito ay may kababalaghan na nagiging invisible o nawawala ang isla na ito. Ayon sa iba, ito ay maaaring isang portal papunta sa lupain ng mga engkanto. Sa mga nakakita na sa Biringan City maihahalintulad daw ito sa New York o Hong Kong kung saan mayroong maraming ilaw. Gayunpaman, sa halip na skyscrapers, ito ay may malaki at mabigat na cathedral type na building na may pagka-elegante at modern architecture. Ang ibang mga visual accounts ay magkaiba ngunit may iisang pagkakatulad lamang sa kanilang lahat.
Sa mga kwento nila tungkol sa misteryosong siyudad na ito, mayroong daw mapang-akit na gayuma kung saan ikaw ay mawawala ka sa ulirat. May mga Bus drivers at Truck Drivers na madalas maligaw at isinisisi nila na ang mga engkanto sa Biringan ang may pakana ng ito dahil sa mga kwentong tumatak na sa kanilang ispin tungkol sa mga kwento ng engkanto na nagbabantay dito.
Ang Biringan ay salitang waray na ibig sabihin ay hanapan ng nawawala. Sabi nila kapag hinahanap mo ang lugar na ito ay mahirap itong hanapin dahil invisible ito o nawawala nalang bigla. Ngunit kapag nakatatak ito sa iyong isipan ay bigla ka na lang mapupunta sa lugar na iyon. Ayon pa sa iba, ang alam mo lang daw ay parang binabaybay mo ang lugar na kung saan ka talaga patungo ngunit kapag nakabalik ka na lang sa iyong sarili o ulirat ay malalaman mo na lang na nawawala ka na pala sa lugar kung saan ka patungo. Maaaring ang iyong imahinasyon ay naglakbay lamang. Ngunit ang sabi naman at pinaniniwalaan ng iba ay totoo ang mga kwento tungkol sa naturang lugar.
Nakadepende na ito sayo kung paniniwalaan mo ito o hindi. Naaayon na lang sa isang tao kung ano ang kaniyang paniniwala. Ayon rin sa mga kwento tungkol dito ang mga taong nakatira dito ay may maiitim na labi na parang aswang. Kapag nakita mo sila ay matatakot ka. May mga nagsasabi rin na isa itong lugar ng mga engkanto.
Marami ang kababalaghan sa siyudad na ito at karamihan ay naniniwala na mayroong Biringan City. Ang iba namnan ay sinasabi na ito ay kathang isip lamang at kwento-kwento ng mga matatanda. Subalit hindi natin alam kung ano nga ba ang totoo. Nasa sa inyo na kung paniniwalaan niyo ba ito o hindi.