Naniniwala ka ba sa Good Karma o ang paggawa ng maganda sa iba ay may kapalit ring maganda? Minsan aminin man natin o hindi gusto natin na kung ano ang ginawa natin sa iba ay inaasam natin na bumalik din ito sa atin. Maraming Pilipino na ang kinilala dahil sa kanilang kabutihang ginawa sa kanilang kapwa tulad nalang ang istorya namin ngayon. Tunghayan natin ang kwento ng isang lalaki na nakakaantig ng mga puso dahil sa kanyang kabutihang loob.
Isang teacher ng elementary si Alvin Balbon sa Dumaguete City, Negros Oriental sa hindi inaasahang pangyayari nakakita siya ng itim na wallet at nang tinignan ang laman nito, hindi niya akalain na nasa humigit kumulang na 30,000 pesos ang laman nito. Laking gulat nito dahil malaki ang laman ng pitaka na kanyang napulot.
Hindi hamak na mas malaki pa ang laman na ito sa kanyang kinikita at pwede nang gamitin pambili ng kanyang pangangailangan. Subalit mas naisip niya ang may-ari ng wallet na ito. Inaalala niya kung ano kaya ang nararamdaman ngayon ng may-ari ng wallet na nawala ang isang malaking halagang pera sakanya.
Naisip nito kung paano ibabalik kaya naman nang walang inaasahang kapalit, nagpost siya sa isang facebook group para sana hanapin at malaman ng may-ari na nasa kanya ang wallet. Kung mangyari man na hindi niya mahanap ang may-ari, ang naisipan nito ay ibibigay niya sa isang police station sa Dumaguete. Subalit ng makalipas ang apat na araw ay may umamin nang may-ari ng pitakang naiwan.
Ayon sa may-ari, ang laman pala ng pitaka ay gagamitin pambayad sa tuition fee. Laking pasasalamat ng may-ari kay Balbon dahil kung hindi siguro ito ang nakapulot mukhang hindi na siya makakabayad ng tuition fee.
Gusto lamang ng lalaki na makagawa ng maganda at hindi na umaasa pa ng kapalit pero kinabukasan hindi niya inaasahang makakatanggap siya ng bonus mula sa kanyang sideline na triple pa sa kanyang naibalik na pera. Ito na yata ang kanyang good karma dahil nakabili na rin siya ng mga bagay na matagal na niyang gusto tulad ng motorcycle at brand new cellphone.
Sana’y lahat tayo ay tulad ni Balbon, kahit na walang kapalit, taos puso pa rin nating ibabalik ang hindi sa atin at wag mag-alinlangang gumawa ng mabuti dahil kahit hindi man tayo mabigyan ng benepisyo, sapat na ang makita na kahit papaano ay nakatulong tayo sa iba.