Kakaiba ang Coffee Shop na Ito na Tila Isang Malaking Fish Spa dahil may Tubig at Isda sa Loob Nito!

Hindi ito isang libro o pelikula lang na akala ng lahat ay hindi totoo, dahil ito ay isang coffee shop na kung saan naglalaman ng tubig at mga lumalangoy na isda. Amix Café ang pangalan nito at matatagpuan sa Vietnam sa lungsod ng Ho Chi Minh. Isa lamang ito sa magandang bisitahin sa lugar na iyon dahil marami rin ang tourist spots doon tulad ng Cu Chi Tunnels na kakaiba rin dahil mararanasan mo ang ginagawa ng mga sundalo.




Ang Amix Café ay hindi tulad ng ordinaryong coffee shop na nakikita natin, dahil mararanasan mo ritong uminom ng kape habang nakapalibot sa iyo ang iba’t ibang isda na lumalangoy langoy sa tubig na abot sa iyong ankle. Hindi lamang iyon, dahil nga fish spa ito, marerelax at mahihimasmasan ang kung sino mang magpunta dito. Isa pang magandang benepisyo nito ay nakakatanggal sila ng mga dead skin sa paa nang hindi ka man lang nasasaktan dahil wala silang mga ngipin.

Iba’t ibang magagandang isda rin ang makikita dito tulad ng koi fishes na nasa kamahalan ang presyo dahil pwede itong maging pet fish at may iba’t ibang kulay tulad ng red, white, black, yellow, brown, grey, green, blue at iba pang kombinasyon, wala rin itong kaliskis kaya ok lang na ilagay sa isang fish spa.

Hindi na dapat mag-alala pa dahil ang mga isda rito ay pinapanatiling malusog sa pamamagitan ng filtration system na pinapanatili ang tubig na malinis at angkop para sa kanila. At dinidisiplina rin ang mga taong nagpupunta dahil pinaghuhugas ng paa ang mga guests bago pumasok sa coffee shop na ito. Ang hatid ng Amix Café ay ang kakaibang experience ng mga customers na pumupunta dito.

Pero sa kabila ng magandang feedback ng iba, meron ring mga negatibo. May mga nagsasabing hindi raw ito maganda sa kalusugan ng mga isda at hindi lang dapat iniisip ang magandang epekto sa mga tao kundi para sa mga isda na rin.