Naniniwala ka ba sa usap-usapan na may himala o blessing na dumadating sa mga hindi inaasahang panahon? Maging sa bagay man ito na iyong hinihiling ay may mga biyaya pa rin na maaaring matangap at tinuturi natin itong ‘blessing in disguise’. Napakahirap nga naman talaga ng buhay ng isang tao ngunit may mga pagkakataon na biglaang dumadating ang mga ganitong pagkakataon.
Nakakamangha ang istorya ng isang mangingisda na kumukuha lamang ng talaba para sa ikinabubuhay nito para mapakain lamang ang kanyang pamilya na sa isang iglap na pangyayari ay tuluyan ng makakapagbago ng kanyang buhay.
Sa edad na 70 ay isang lalaking nagngangalang Liu Yunnan mula sa China ay ginugugol ang kanyang panahon at oras sa pagkuha ng talaba mula sa dagat at hindi niya inaasahan na may biyaya pala siya na makukuha mula dito. Kahit na matanda na si Liu ay nagtatrabaho pa rin siya para sa kanyang pamilya kahit na buong buhay niya ay mangingisda lamang siya at wala ng lakas para makapaghanap pa ng ibang trabaho.
Ngunit isang araw habang ito ay nangingisda, nilagay nito ang kanyang lambat sa dagat upang makakuha ng talaba subalit nadismaya siya ng makita niyang puro matatanda na talaba ang kanyang mga nahuli. Muling itinapon nito ang lambat sa dagat, pero wala din ang nagyari dahil matatandang talaba pa rin ang nakuha niya buong araw. Dinala na lamang niya ito sa kanyang pamilya para mapagsalu-saluhan nila.
Hindi niya alam na may malaking biyaya ang darating sa kanyang buhay at pasalamat dahil hindi niya tinapon ang mga talaba dahil sa loob nito ay mayroong mamahaling perlas na nakapaloob sa bawat talaba. Ngayon ay ititinda na lamang niya ito at tumigil sa pangingisda. Kahit na ang buhay ay napakahirap ay may biyaya pa rin na binibigay ang diyos sa tamang oras. Kaya huwag mainip sa biyaya na ibibigay niya sa iyo.
May mga inspiring stories ba kayong gustong ibahagi sa amin? Share your thoughts below!