Isang barko ang bigla nalang naglaho nang ito ay dumaan sa Berduma Triangle at matapos ang 90 na taon, natagpuan itong muli. Ano nga ba ang misteryosong pangyayari sa isang nawalang barko na ito? Narito ang kwento.
Ito ay isang nakakamangha na istorya at napakarami ang nagbigay ng kanilang sariling opinyon sa Social Media ng marinig nila ang kwento ng SS Cotopaxi na barko na lumuwas sa Havana, Cuba noong Nobyembre 29, 1925.
Naglayag ang barkong ito upang magbigay ng 22,300 toneladang uling o charcoal sa isang banyagang bansa ngunit bigla na lamang itong nag laho ng parang bula na walang iniwang kahit anong marka sa dagat. Pinapaniwalaan ng nakararami na ang pagkawala nitong barko na ito ay may naglalayag na 32 na mga miyembro ng crew bago pa ito mawala sa misteryosong Bermuda Triangle.
Inakala na tuluyan na itong nawala at hindi na muling makikita pa. Subalit ikinagulat ng lahat ng biglang ibinahagi ng Cuban Coast Guard na may natagpuan silang isang barko na abandonado. Ito ay unang natagpuan nitong May 16, 2018 ngunit hindi pa alam kung ito ng aba ang SS Cotopaxi na nawala noon. Ayon sa local na pamahalaan, sinubukan nilang tawagan ang mga miyembro nito ngunit di sila sinuwerte.
Walang sumagot sa kanilang tawag kaya naman pagkalipas ng mga ilang araw ay nagpalayag na ulit ang mga lokal na autoridad na imbestigahan ang natagpuang barko na ito. Nang ito ay kanilang natagpuan, namangha ang lahat dahil ang paglalarawan sa barkong natagpuan na ito ay kaparehas sa SS Cotopaxi ship na nawala noong ito ay napadaan sa Bermuda Triangle. Kinumpirma ng mga ilang experto na ito na nga ang sikat na nawawalang barko noon.
Pagkatapos hukayin ang ilang mga natitira na parte ng barko ay natagpuan ng patrollers ang isang log book kay Kapitan W.J. Meyer. Nakita nila ang mga logs noong nakalipas na 1920s. Subalit hindi na muling nagpahayag ng ano pa mang detalye na makakapagresolba sa mysteryosong SS Cotopaxi na noong nawala.
Wala pa rin tanyag na sagot kung ano na ng aba ang totoong nangyari sa 32 na miyembro ng crew. Ito ng aba ay sa isang dahilan ng malakas na bagyo kaya Nawala sila sa kanilang patutunguhan? Kinulang ba ang reserba na pagkain kaya hindi na buhay ang mga crew? Nangako ang Vice President ng Council of Ministers na si General Abelardo Colome na patuloy nilang iimbestigahan kung ano ang totoong nagyari noong nakalipas na taon dahil nasa kanila na ang bakas- ang nawawalang barko.