Humiram ng Pera sa Kanyang Ate ang Babaeng Ito Subalit ang Iniabot Sakanya ay Machete at Martilyo! Narito ang Kakaibang Rason kung Bakit!

Napakahirap nga naman humiram pera sa ibang tao dahil alam mong tatanawin mo ito na malaking utang na loob subalit mas mahirap ang nagpapahiram ng pera sa iba dahil hindi mo rin alam kung babayaran ka ba nila o hindi.

Isang inspiring story ang ibabahagi namin sa inyo ngayon tungkol sa isang babae na nanghiram ng pera sa kanyang ate subalit nagulat ito nang ang ibigay ang isang itak at martilyo.




Isang araw, nagpunta ang babae na si Jessica sa bahay ng kanyang ate na si Ana upang bisitahin ito. Subalit hindi ito winelcome ng kanyang ate dahil alam na nito kung ano ang pakay ng kanyang kapatid. Maraming beses ng sumubok si Jessica na puntahan ang kanyang ate para lamang manghiram ng pera. Paulit-ulit niya itong ginagawa at lagi siyang pinapahiram ni Ana.



Subalit noong huling punta ni Jessica para manghiram ng pera, nagdalawang isip na si Ana na pahiramin ito ng pera dahil madalas nalang siyang ginagawang takbuhan ng kanyang kapatid. Kaya naman naisipan niya na turuan ng leksyon ang kanyang kapatid upang matuto ito.

Pagdating ni Jessica sa bahay ng kanyang ate, wala ng paligoy-ligoy at dumiretso na ito na sabihin agad na manghihiram siya ng pera na mahigit 40, 000. Pumayag ang kanyang ate, dinagdagan pa niya ito at ginawa niyang 80, 000 ang ipapahiram sa kapatid subalit mayroon siyang isang kondisyon kay Jessica.

Gulat na gulat si Jessica dahil walang alinlangan na pinahiram siya ng kanyang kapatid. Sa kanyang tuwa at excitement, agad tinanong ni Jessica kung ano ba ang kailangan ng kanyang ate.



Narito ang kondisyon ng kanyang ate “Mayroon akong mga kahoy sa bakuran ng bahay ko kaya lang hindi ko ito masibak dahil nawawala ang aking palakol. Ang tanging mayroon ko lamang ay isang itak at martilyo. Gamitin mo ito para hatiin ang mga kahoy at kapag ito ay iyong natapos, ibibigay ko sayo ang 80, 000 mamayang gabi. Subalit hindi ka pwedeng magpatulong kahit kanino.”

Dali-dali naman nagpunta si Jessica sa bakuran ng kanyang ate at binilang kung ilan ang mga kahoy na nakatambak dito. Mayroong 200 na kahoy na kailangan niyang hatiin sa apat sa loob ng tatlong oras bago matapos ang hapon.

Pumayag agad si Jessica sa kondisyon ng kanyang ate at sinimulan niyang magsibak ng mga kahoy. Sa loob ng isang oras, naubos niya ang 50 na kahoy at tuwang tuwa ito na sabihin sa kanyang ate na kaya niyang tapusin ang natitirang 150 na kahoy.

Patuloy na nagsibak si Jessica, subalit makalipas ang dalawang oras bumagal ang pagsisibak ni Jessica dahil nagsimula ng magmanhid at mamula ang kanyang mga kamay. Hanggang sa tumigil na ito sa pagsibak dahil hindi na niya kinaya ang pagod.

Nagpunta ito sa kanyang ate at sinabi na ayaw na niyang tapusin ang kanyang trabaho sapagkat nagkaroon na ng maliliit na pasa ang kanyang mga kamay. Ang buong akala ni Jessica at magagalit ang kanyang ate subalit inabot pa din nito ang 80, 000 sa kanyang kapatid at sinabi ang mga katagang ito sa kanyang kapatid.

“Jessica, ipinagawa ko sa iyo yan dahil gusto kitang matuto pahalagahan ang pera na iyong hinihiram galing sa akin. Nang inutusan kitang sibakin ang mga kahoy, gusto kong matutunan mo na walang ano mang trabaho na madali. Na lahat ng pera na ating nakukuha ay galing sa ating hirap at pagod sa pagtatrabaho. Bata ka pa. Alam kong isa itong leksyon sa iyo na hindi basta-basta hinihingi ang pera, ito ay pinagtatrabahuhan ng mabuti.”

Na-realize ni Jessica ang sinabi ng kanyang ate. Simula noon ay naisipan na ni Jessica na maghanap ng trabaho at hindi na muling aasa sa kanyang ate dahil nahihiya na ito sa perang pinaghirapan ng kanyang ate.

Ang kwento na ito ay may magandang moral lesson lalo na sa ating mga kapamilya na madalas lamang humingi ng pera sa iba. Kung mayroon kayong mga kakilala na kaibigan, kapatid o kamag-anak na madalas manghiram na lamang ng pera, ipabasa niyo ito sakanila upang matuto at marealize nila na pinaghihirapan ang bawat sentimo na natatanggap.

Anong masasabi niyo dito? Nainspire ba kayo sa kwento at nakarelate? Maaari rin kayong magbahagi ng inyong mga kwento sa amin!