Lumabas sa Restaurant ang Tatay na Ito Matapos Orderan ng Pagkain ang Anak, Mayroon Pala Itong Nakakaiyak na Dahilan Kung Bakit

Madalas tayong mag-aya sa ating mga magulang kumain sa labas tulad ng restaurants o fast food chains. Karamihan din sa atin ay halos linggo-linggo nakakatikim sa iba’t ibang restaurant na makikita sa mga mall kahit alam naman natin kung gaano kamahal ang kumain sa labas. Isa ba kayo sa mga anak na madalas mag-aya sa inyong magulang na kumain sa labas at kapag hindi nasunod ang gusto ay magagalit? Mayroon kaming inspiring story na ibabahagi sa inyo na tiyak na nakakalungkot sa puso ngunit nakakainspire.




May isang istorya na ibinahagi si ‘Rocky Wong’ na nakapagpabigay ng touching experience sa mga nagbabasa. Kaya ibabahagi din namin sa inyo kung ano ito.

Bata pa lamang si Rocky Wong ng iwanan siya ng kanyang Ina. Itinaguyod sila ng kanyang Ama kasama ang kanyang kapatid na dalawang babae. Kahit hirap sa buhay ang kanyang Ama bilang isang construction worke, nagawa niyang pag-aralin ang mga bata sa magandang eskwelahan upang magkaroon ng maayos at sapat na edukasyon. Gayunpaman, kahit na ito ay nag-aaral sa pribadong eskwelahan, alam ni Rocky Wong na hirap pa rin sila sa buhay. Sa tuwing ang kanyang mga kaklase niya kakain sa labas kasama ang pamilya, hindi maiwasan ni Rocky na maiinggit.

Ang lahat ng kanyang saloobin ay isinulat niya sa isang papel upang mawala ang kanyang inggit. Hindi niya ito sinabi sa kanyang Ama dahil alam niya kung gaano kahirap ang buhay.



Isang araw, dinala sila ng kanyang Ama kasama ang dalawang kapatid sa isang steakhouse restaurant. Masayang-masaya sila at excited sa kanilang kakainin dahil ito ang kanilang unang beses na kumain sa mamahaling restaurant na matagal na nilang hinahangad.

Nag-order ang kanilang Ama ng tatlong pinakamurang steak meal para sa magkakapatid. Bago pa man kumain ang magkakapatid, nagpaalam ang tatay na mayroon lamang daw itong pupuntahan habang sila ay kumakain at babalikan niya ang mga ito pagkatapos niyang bumili.

Tumango ang magkakapatid at inumpisahan ang pagkain ng steak. Subalit habang kumakain sina Rocky, napansin niya na mayroon siyang natatanaw na lalaki sa labas ng restaurant. At nang magtagpo ang kanilang mga mata, laking gulat ni Rocky na ang lalaking nakatayo ay ang kanyang Ama. Agad naman nagbigay ng senyas ang Ama kay Rocky na huwag daw itong sasabihin sa dalawa niyang kapatid na nakita niya itong nakatayo sa labas ng restaurant.



Ang dahilan pala kaya ito ay lumabas dahil hindi sapat ang pera ng Ama para bumili pa ng apat na steakmeal ng sila ay nagpunta sa Restaurant. Idinala niya lamang ang kanyang mga anak dito upang ma-enjoy nila at matikman ang pagkain sa labas. Ang tanging gusto lamang ng tatay ay kahit papano maranasan nila ang makakain sa isang restaurant at makita niya ang tuwa sa mukha ng kanyang mga anak kahit na ito ay gipit. Tiniis niya na hindi kumain upang maibili ang mga anak ng pagkain.

Mula noon hindi na muling naghangad si Rocky ng mga materyal na bagay na hindi niya kailangan. Narealize niya kung ano ang sakripisyo na ibinibigay ng kanyang Ama para sa kanila. Halos maluha-luha si Rocky sa tuwing ito ay kanyang maaalala subalit naging isang moral lesson naman ito sakanya na pahalagahan ang sakripisyo at pagod na ipinapakita ng ating magulang sa atin.

Huwag tayong maghangad ng mga bagay na hindi naman natin kailangan dahil hindi natin alam kung gaano kahirap ang magtaguyod ng isang pamilya lalo na kung nag-iisa na lamang ang iyong magulang. Matuto tayong mag-appreciate ng mga maliliit na bagay na ginawa ng ating mga magulang.

Anong masasabi niyo dito? Nainspire ba kayo? Ibahagi niyo sa amin ang inyong mga reaksyon!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *