Marami ang Nagtaka Kung ano ang mga Butas na Ito sa mga Puno at Nang Ito ay Kanilang Nilapitan Namangha Sila sa Kanilang Nalaman!

Kadalasan nga naman mayroong mga kakaibang bagay na ating mapapansin na makakapagbigay ng curiosity sa ating pag-iisip. Tulad na lamang ng isang kwento ng babae na ito ng mayroon siyang kakaibang bagay na napansin habang ito ay naglalakad papunta sa gubat.



Kwento ng isang babae, habang ito ay naglalakad upang magpahangin sa labas, napansin niya ang kakaibang puno na ito na tila mayroong mga maliliit na butas.



Ang una ay inakala niya na ang mga maliliit na butas sa punong ito ay dahil sa mga bala na tumama dito noong unang panahon kung saan ang isang historical war ay naganap sa lugar na ito. Subalit napaisip siya at muling nilapitan ang puno upang malaman kung ano nga ba ang maliliit na butas na ito.

Ang mga bilog na butas na ito ay hindi pala galing sa bala, ito pala ay mga butas na kung saan may laman na Acorns o Oak Nut kung saan ang mga ibon na ‘woodpecker’ ang may pakana ng mga ito.

Ang gawain pala ng mga woodpeckers na ito ay magbutas ng maliliit na butas sa mga puno at dito nila itinatago ang mga Oak nuts o acorns na kanilang kinakain. Ginagamit nila itong lagayan ng kanilang mga pagkain.


Ang isang puno ay may halos 50, 000 na maliit na butas. Halos taon-taon nagiipon ng mga libo-libong acorns ang mga woodpeckers na ito at siyang itinatago sa mga holes ng puno.

Ginagawa nila ito upang kapag dumating na panahon ng tag-lamig ay mayroon silang naka-stock na pagkain na maaaring umabot hanggang matapos ang winter season. Dito nila itinatago ang kanilang pagkain upang manitiling tuyo ang mga ito at hindi mabulok.

Karamihan sa mga tao na nakakapansin sa mga butas na ito ay pumupulot ng mga nahulog na acorns galing sa puno at inilalagay nila ito sa mga holes upang makatulong sa mga ibon. Kaya naman kung hindi kayo sanay makakita ng ganito, talaga naman magtataka ka kung ano ang mga holes na ito.