Akalain mo nga naman na ang mga foreigners pa ang naiinlove at nagagandahan sa Pilipinas kung saan pinapangarap pa nila na sila ay manirahan sa ating bansa. Hindi pa din natin masasabi na pangit na ang Pilipinas dahil maraming mga taga ibang bansa na naiinggit sa atin dahil sa kagandahan ng Pinas.
Tulad nalang ng isang inspiring story ng American Mom na ito na hindi niya halos aakalain na titira sila sa Maynila kasama ang kanyang asawa at tatlong anak. Siya ay si Amber Folkman isang Californina native. Nakilala niya ang asawa noong ito ay nagaaral pa sa isang university sa Hawaii.
Hindi niya halos akalain na aalis ito sa kanyang kinalakihang bansa at titira sa Maynila. Matapos nilang magpakasal noong 2009, sinundan niya ang kanyang asawa at nanirahan sila sa Maynila.
Ayon sa kanya, nainlove siya sa kakaibang klima ng Pilipinas na kahit anong araw ay tila mala-summer ang init. Natuwa din siya sa ating mga matatamis na prutas at kakaibang klase ng transportasyon.
Besides having an endless summer, the best mangoes in the world and the most fun modes of transportation, the Philippines is where my boys have learned valuable life lessons that I hope will guide them through the rest of their lives. We predominantly have an American culture in our home, but outside we embrace everything that is Filipino.
Masaya siya na ang kanyang tatlong anak ay natututo ng American at Filipino values. Tinuruan niya ito na rumespeto sa nakakatanda tulad ng gawain ng mga Pinoy.
Kung sa ibang bansa ay ang unang pangalan lamang ang tinatawag ng mga bata sa mga nakakatanda, dito sa Pilipinas natututo siyang turuan ang mga anak na tawagin ang mga nakakatanda ng “Tito, Tita, Uncle, Aunt, Ate, Kuya’.
Masaya din si Amber na tinatrato sila ng kanilang mga kapitbahay na parang kanilang mga kapamilya. Dagdag pa nito, na ang kilalang slogan na “It’s more fun in the Philippines’ ay talaga nga namang totoo para sa kanya. Madalas silang excited na sumakay at makipagsiksikan sa Pinoy Jeepney at Tricycle sa Maynila. Tuwang tuwa din ang mga ito sa kakaibang food choices na matatagpuan sa Pilipinas
Ito ang dahilan kaya pinalaki ni Amber ang kanyang mga anak na may Pusong Pinoy. Ayon sa kanya, ‘Life is more fun in the Philippines’ dahil masayahin ang mga bawat Pilipino kahit sa ano mang sakuna na ating nararanasan.
Sana maging inspirasyon sa inyo ang kwentong ito na dapat tayong maging Proud dahil tayo ay Pilipino. Kahit gaano man kapangit sa ating paningin ang bansa, pahalagahan natin ang mga natitirang yaman ng Pilipinas.
source: smartparenting