Nakapagtapos siya ng Pag-aaral sa Kilalang Unibersidad Subalit Hindi siya Tinatanggap sa Lahat ng Kumpanya Dahil sa Isang Bagay na Ginawa Niya Noon!

May isang kwento ng babae na nakatapos ng kanyang pag-aaral sa isang kilalang Unibersidad sa France subalit hindi ito makahanap ng kanyang kumpanya na pagtatrabahuhan.

Ang unang beses niyang makatapak sa bansang France ng ito ay makatapos ng kanyang high school. Dahil bago pa lamang siya sa bansa na ito, hindi niya alam ang patakaran sa mga public transportation. Sa tuwing siya ay nagcocommute papunta sa Unibersidad, napapansin niya na walang mga ticketing booth upang makabili ng ticket pass sa public transportation. Ang tanging nakita lamang niya ay ang mga self-service machine kung saan ikaw ang kusa na magbabayad ng iyong ticket at kukuha nito.




Dahil alam ng mga security guards dito na hindi manloloko ang mga tao, hindi na sila gaanong nag-iinspect kung may ticket na hawak ang mga pasahero. Kaya naman naisipan ng babae na ito na hindi na lamang bumili ng ticket upang siya ay makatipid dahil sa akalang hindi naman ito malalaman ng mga guards. Naulit ng tatlong beses ang pangyayaring ito na kung saan sasakay na lamang siya at hindi na bumibili pa ng ticket.

Nakapagtapos ng pag-aaral ang babae ng may flying colours sa kilalang unibersidad ng France. At dahil dito, nagsimula siyang humanap ng trabaho sa mga malalaking kumpanya sa bansa.

Subalit karamihan ng mga kumpanya na ito ay hindi siya tintanggap. Kaya naman ng isang beses pa na hindi siya inireject ng isang kumpanya, napuno na ang babae at nilapitan niya ang manager at tinanong kung ano ang dahilan bakit hindi ito natanggap sa trabaho.



Laking gulat niya sa sagot ng manager. “Miss, we do not discriminate against you. On the contrary, we really appreciate your interest to work with us and frankly, we are very impressed with your educational background and academic achievement. Based on your resume alone, you are the exact person we are looking for the position.”

Buong tapang na tinanong ulit ng babae kung ano ang dahilan bakit siya hindi tinanggap kung siya naman ay may magandang educational background.

Ang sagot ng manager sakanya, “Because from the background check we did on you, we found out that you have 3 outstanding fines of failure to present ticket on public transports.”

Nagulat ang babae na nalaman ito ng manager at inamin niya ang kanyang ginawa subalit muling pinagtanggol ang sarili at sinabi na wala namang koneksyon ang hindi pagbayad sa pagaaply niya sa trabaho.



Nagbigay ng sagot ang manager kung saan natahimik na lamang ang babae, “We noticed that your first fine was when you first came to this country. We let it go thinking that you were not familiar with the ticketing system yet. However, we found it that you continued to skip on paying tickets in more than two occasions.”

Ang sabi ng manager, “We do not accept such manner in our company. It shows to us two things. First, you do not respect the rules. Second, you know that it is morally wrong to use a public transport without paying and yet you deliberately broke the law.”

“Second, you have shown to us that you cannot be trusted. While most of our jobs require a high discretion to protect the company’s privacy and rights, what would happen if we were to give authority to a person like you who would find it okay to abuse your power and knowledge about the company for your own benefit?”

“So we cannot accept your application. In fact, no companies in this country will hire you. Not even the entire Europe if I may say.”

Natahimik na lamang ang babae sa sinagot ng manager dahil napagtanto niya na mali nga naman talaga ang kanyang ginawa na pandaraya sa hindi pagbayad ng ticket sa tuwing ito ay gagamit ng public transport. Umalis na lamang siya sa bansa at nagsimula ulit sa ibang lugar. Dahil sa sinabi ng manager, natauhan ang babae at pinagsisihan niya ang lahat ng kanyang nagawang kalokohan. Narealize din niya na kahit anong ganda ng propesyon mo, kung wala kang ethics at hindi ka marunong sumunod sa batas, hindi ka nararapat na tawaging professional.

Anong masasabi niyo dito? Mayroon ba kayong napulat na istorya mula dito? Share your thoughts below!