Sinagip ng Tatay ang Kanyang Sarili at Iniwan ang Asawa sa Lumubog na Sinasakyang Barko. Matapos ang ilang taon, Nalaman ng Anak ang Katotoohana at Hindi Nito Napiglan Umiyak sa Dahilan

Upang ma-enjoy ng mag-asawa na ito ang kanilang private honeymoon, sumakay sila sa isang 6-day cruise ship at iniwan panandalian ang kanilang dalawang anak sa pangangalaga ng kanilang magulang.




Subalit nagkaroon ng hindi kaaya-ayang pangyayari at tumumba ng malakas na alon ang sinasakyang barko ng mag-asawa dahil sa lakas ng bagyo. At nang ang mag-asawa ay papunta na sa lifeboat area, pang-isahang tao na lamang ang natitirang espasyo sa lifeboat. Kaya naman tumalon na ang lalaki at tuluyan na niyang iniwan ang kanyang misis sa lumulubog na barko.

Naging masalimuot ang buhay ng Lalaki kasama ang kanyang dalawang anak dahil sinisisi nila ang kanilang Ama sa pagkawalan ng kanilang Ina. Halos buong buhay nilang hindi mapatawad ang kanilang Tatay dahil sa nangyaring insidente.



Matapos ang ilang taon, sumakabilang buhay na ang kanilang Ama at halos hindi pa rin matanggap ng mga bata ang nagawa nito sa kanilang pamilya. Isang araw, may natagpuang diary ang panganay na babae sa silid ng kanyang Tatay habang ito ay nagtatapon na ng kagamitan nito.

Binuklat ng anak ang diary na ito at laking gulat niya ng nalaman nito kung ano ang totoong nangyari sa kanilang Ina. Nagsisisi siya na buong buhay niyang hindi mapatawad ang kanyang Ama habang mayroon pala itong rason kung bakit mas pinili niyang hindi sagipin ang kanilang Ina.

Narito ang nakasulat sa diary ng kanyang Ama, “I wanted to sink with you together on the sinking cruise. But for our children, I could only let you sink aline into the dee cold ocean bed.”

Naiyak na lamang ang anak ng nalaman niya na ang rason pala kaya iniwan ng Ama ang kanilang Ina sa lumubog na barko ay dahil na-diagnose ito ng isang malalang kondisyon. Hindi nagpasagip ang kanilang Ina at pinasakay niya ang asawa sa lifeboat upang mayroong tumayong magulang para sa kanilang dalawang anak. Halos madurog ang puso ng kanilang Ama na iwanan ang asawa sa barko subalit para sa kanilang dalawang anak, pinili niyang iwanan ito at sagipin ang sarili para sa kanilang pamilya.



Iyak ng iyak ang anak  ng nalaman niya ang tunay na pangyayari. Simula noon, naintindihan na niya kung bakit hindi kayang sabihin ng Ama ang totoong dahilan. Naisip na lamang ng anak na sobrang masakit ito para sa Ama na sabihin ang katotohanan sa mga anak dahil durog na durog na ang kanyang puso sa tuwing maaalala niya ang insidente.

Ang pagmamahal ng lalaki sa kanyang asawa ay kahit kailan man hindi matutumbasan ng kahit sino, subalit naging matapang ito na bitawan ang asawa upang maitaguyod ang kanilang nabuong pamilya. Isa itong magandang paalala na napakalaki ng sakripisoyng naibibigay ng ating mga magulang para sa atin. Kaya huwag natin itong basta nalang balewalain.

Anong masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi niyo sa amina ng inyong mga saloobin!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *