Napakahirap nga naman talaga sa isang anak kung hindi aprubado at hindi sang-ayon ang kanyang mga magulang sa minamahal o iniibig na kasintahan. Bagamat maraming magulang ang napakastrikto at bantay-sarado sa kanilang mga anak pagdating sa pakikipag-ibigan, marami parin na mga bata na hindi mapigilan ang sarili na ma-inlove sa iba. Kaya naman itong kwentong ito ay tiyak na makapagbigay ng moral lesson sa atin lalo na sa mga magulang na napakahigpit.
Nagkakilala sina Leo at Mika sa isang Unibersidad sa Maynila. Parehas silang nag-aaral sa eskwelahan nito subalit magkaiba sila ng kurso. Si Mika ay nag-aaral ng Nursing habang si Leo naman ay isang Engineering student. Nagsimulang mahulog ang loob nila sa isa’t isa dahil na rin sa pangangantyaw ng kanilang mga kaibigan.
Bago pa man sagutin ni Mika si Leo, sinabihan na ni Mika kung gaano ka-strikto ang kanyang magulang. Subalit hindi parin pinapaalam ni Mika sa kanyang magulang na mayroon na siyang nobyo dahil sa takot na baka hindi nila ito magustuhan.
Nakalipas ang ilang buwan, tumigil sa pag-aaral si Miko dahil nagkasakit ang kanyang Ama na nagtatrabaho bilang construction worker. Dahil dito, upang maituloy ang pagpapasweldo sa kanyang Ama pinayuhan siya ng boss ng nito na na si Leo nalang muna ang magtrabaho bilang kapalit sa kanyang Ama.
Walang magawa si Leo kundi pasukan ang trabahong ito. Habang si Mika naman ay malapit ng matapos sa pag-aaral, naisipan niyang ipakilala na si Leo sa kanyang mga magulang sa araw ng kanyang graduation bilang nobyo.
Hindi natuwa ang magulang ni Mika at pinayuhan nila itong hiwalayan si Leo. Galit na galit ang Ama ni Mika dahil hindi niya matanggap na isa lamang itong construction worker. Ang gustong lalaki ng kanyang magulang ay mayaman, maganda ang trabaho at nakapagtapos ng pag-aaral. Sinunod ni Mika ang gusto ng magulang hindi na muling nagkita pa ang dalawa.
Nakahanap ng trabaho si Leo sa ibang bansa bilang isang construction worker at nagsumikap itong makamit ang kanyang mga pangarap. Nahanap ni Leo ang kanyang mapapangasawa habang ito ay nasa abroad at saka naman pinagsikapan nila na makaipon upang magtayo ng Business sa Pilipinas. Kaya naman ng lumago ang business nito at naisipan niya na umuwi na ng Pilipinas kasama ang kanyang Fiancee.
Isang araw, nagtagpong muli ang mga landas ni Mika at Leo ng hindi inaasahan. Nagkamustahan ang dalawa at nalaman ni Leo na hanggang ngayon ay wala pa rin asawa o nobyo si Mika dahil sa kagustuhan ng kanyang magulang na makatagpo ito ng ideal man.
Ikinwento ni Mika ang pagkikita nila ni Leo sa kanyang magulang at kung ano na ang nakamit nito sa kanyang buhay. Laking pagsisisi na lamang ng magulang niya na minaliit nila ang tingin kay Leo at habang si Mika naman ay nagsisisi din na hindi niya ipinaglaban si Leo dati ng minaliit siya ng kanyang magulang. Ngayon hindi niya halos akalain na isa na itong mayaman na businessman.
Isa itong moral lesson sa atin at sa mga magulang na huwag agad-agad humusga sa estado ng buhay ng isang tao. Lahat tayo ay nagsisimula sa hirap bago makamit ang ating tagumpay. Hindi mo lubos na maisip na ang isang construction worker lamang dati ay isa ng mayaman na businessman ngayon. Dahil tandaan, ang taong iyong minamaliit ay maaaring mas umangat at maging asensado pa sa iyong buhay pagdating ng panahon.
Anong masasabi niyo dito? Ibahagi ninyo sa amin ang inyong reaksyon!
*All pictures shown are for illustration purpose only.