Sinadya Niyang Ihulog ang Wallet sa Kalsada, Hindi Niya Inaasahan na Ito ang Gagawin ng Isang Matanda!

Sa panahon natin ngayon halos iba’t- ibang uri ng tao ang nakakasalamuha natin sa araw-araw. Mayroong mabubuti ang kalooban, tapat sa kapwa at may malilinis na puso. Ngunit mayroon din namang masasama na naliligaw ng landas at madaling mahulog sa tukso.

Nang dahil dito, isang lalaki ang nagsagawa ng tinatawag na “social experiment” at ibinahagi ito sa Social Media. Ito ay isang uri ng pag aaral upang subukin ang pagkatao ng bawat isa at suriin ang reaksyon ng bawat tao sa isang sitwasyon.




Sa kasalukuyan, marami ng mga eksperto ang nagsasagawa ng ganitong pag aaral. Minsan nagpapanggap silang pulubi o hindi kaya naman ay taong grasa upang malaman kung sino ang kusang loob na tutulong sa kanila.

Ngunit iba ang naging pamamaraan ng isang lalaki sa pagsasagawa ng “social experiment.” Sa isang kalye kung saan maraming tao ang nagpaparoo’t parito, sinadya niyang ihulog ang kanyang pitaka upang alamin kung sino ang may mabuting kalooban na isauli ito sa totoong nagmamay-ari.

Habang isinasagawa niya ito, isang matandang babae na namumulot ng mga basura ang kanyang nakasalamuha. Sa uri ng pamumuhay mayroon ang babae, inaasahan na niyang kukunin nito ang kanyang pitakang naglalaman ng sapat na halaga upang kahit papaano ay matustusan nito ang araw araw nilang pangangailangan. Ngunit laking gulat niya sa sumunod na ginawa ng matandang babae dahil lubos niya itong hindi inasahan.



Ang matandang babaeng ito ay araw araw namumulot ng basura sa kalyeng iyon upang ibenta at kumita ng pera na ipapangtutustos sa araw araw na pangangailangan ng kanyang pamilya. Dahil dito, isang malaking bagay ang makapulot ng pitaka na naglalaman ng malaking halaga sapagkat ito’y maituturing na isang malaking tulong sa kanya.

Sa naturang video, pumwesto ang babae sa gilid ng kalsada at sinuri ang laman ng pitaka. Tila nag isip ito ng ilang sandali kung ano ang kanyang gagawin matapos makita ang laman ng napulot na pitaka. Pagkalipas ng ilang minuto, tumayo ang matandang babae at naglakad patungo sa kung saan. Sinundan naman siya ng lalaking nagsagawa ng naturang “social expirement”.

Habang nakasunod sa matandang babae, nakarating sila sa istasyon ng pulis. Nagtungo roon ang matanda upang isauli ang nakitang pitaka. Hindi niya lubos na inaasahan ang ginawa nito at tunay na nabagabag ang kanyang kalooban dahil sa nangyari.



Ang pangyayaring ito ay nagpapatunay na mayroon paring mga tao ang may mabubuting kalooban sa kabila ng kahirapan na kanilang nararanasan. Hindi mo lubos maisip na kung sino pa ang hirap sa buhay ay sila pa ang may kabutihang loob na gawin ang tama.

Ano masasabi niyo dito? Ibahagi ninyo sa amin ang inyong reaksyon!

source: readersportaltoday

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *