Sinurpresa nila ang Isang Mahirap na Matandang Lalaki sa Kanyang Kaarawan at Bakas ang Kasiyahan sa Kanyang Mukha Dahil Dito!

Dahil sa kaliwa’t kanang problema na ibinabato sa atin ng buhay, dumarating tayo sa punto na nawawalan na tayo ng pag asa. Ngunit sa tulong ng Maykapal at ng mga taong may mabubuting puso na tumutulong at sumusuporta sa atin, nagagawa pa rin nating lumaban at harapin ang bawat hamon ng buhay.




Isang halimbawa nito ang kwento ng isang matandang lalaki na nakatanggap ng tulong mula sa mga hindi inaasahang tao. Bakas sa itsura ng matanda ang matinding hirap na dinaranas sa araw-araw. At dahil sa suot nitong sirang sombrero at isang maruming damit, madalas itong napagkakamalang wala sa sarili at may problema sa pag iisip. Sa kadahilanang ito, maraming tao ang umiiwas sa kanya kaya siya ay laging nag iisa. Lingid sa kaalaman ng mga tao, siya ay naglilinis at namumulot ng mga basura at nasa normal na katinuan.



Isang babaeng nagngangalang Marie Espiritu kasama ang kanyang mga kaibigan ang kusang loob na tumulong sa matandang lalaki na siya namang nagbigay kulay sa espesyal na araw nito. Bilang surpresa sa kaarawan nito, binilhan nila ito ng cake. Dahil sa kanilang ginawa, labis na naantig ang kalooban ng matanda at bakas sa mukha nito ang matinding kasiyahan.

Ang storyang ito ay ibinahagi ni Marie sa Facebook na siya namang umantig sa puso ng maraming netizens. Tunay nga na sa kabila ng kahirapan na ating kinakaharap ay mayroon pa ring mga tao na magpaparanas sa atin na masaya pa ring mabuhay. Sana ay marami pa ang tulad ni Marie at ng kanyang mga kaibigan na handang tumulong sa mga nangangailan. Dahil ang simple pag gawa ng mabuti ay may magandang naidudulot sa buhay ng bawat tao.

Marami sa ating nga kababayan ang natuwa at nainspire sa kwentong ito na siya namang nagbigay ng kanilang mga positibong komento at suporta. Ang iba ay itinag pa ang Kapuso Mo Jessica Soho upang maikwento ang buong istorya ng buhay ng matandang lalaki.



Anong masasabi niyo dito? Ibahagi ninyo sa amin ang inyong mga komento!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *