Sabi nila ang pag-ibig daw ay napakamakapangyarihan at sa oras na maramdam mo ito. Tila lahat ng bagay ay magagawa mo para sa taong mahal mo. Ang pag ibig ay walang pinipiling oras, panahon, lugar, edad, kasarian at itsura. Hindi rin ito nasusukat sa pisikal na anyo ng isang tao. Dahil ang tunay na pag ibig ay walang basehan dahil sabi nga sa isang kanta, “kapag tumibok ang puso wala ka nang magagawa kundi sundin ito”.
Isang halimbawa na lamang ang pag iibigan ng mag asawang Dallaine Mae Tac-an at Felomino Mulanao na pinatunayang ang pag ibig ay walang limitasyon.
Ang bagong kasal ay nag silbing inspirasyon sa karamihan dahil sa napakagandang kwento ng kanilang pag iibigan. Sa kabila ng kaibahan nila sa isa’t-isa hindi iyon kailanman naging hadlang sa relasyon nila.
Kahit si Dallaine ay mayroong hindi normal na taas dahil sa tinatawag na “dwarfism”. Minahal at tinanggap pa rin siya ng buong puso ni Felomino.
Siguro nga’y ang kanilang pag-iibigan ay hindi normal sa mata ng ibang tao ngunit ang pusong nagmamahal ay nakikita ang kagandahan ng isang tao na hindi nakikita ng mga mata. Ang tunay na kagandahan ay matatagpuan sa kaibuturan ng ating puso at yon ang nakita ni Felomino sa kanyang asawang si Dallaine.
Isang napakagandang kwento ng pag iibigan ang ibinahagi nila sa marami na siya nga namang pumukaw sa puso ng karamihan. Ang kanilang kwento ay nagpapatunay lamang na hindi bulag ang pag-ibig.
Lahat tayo ay may karapatang mahalin at magmahal. At isang araw matatagpuan rin natin iyong taong tatanggapin tayo ng buo at mamahalin tayo ng lubos sa kabila ng ating mga kakulangan. Mayroon ding tulad ni Felomino ang inilaan sa atin ng Diyos.
Marahil ang iba sa atin ay natagpuan na ang Felomino ng kanilang buhay at ang iba naman ay patuloy pa ring naghihintay. Tiwala lang talaga! Darating din yong taong magmamahal at magpapasaya sa atin.
Nawa’y maging inspirasyon ito sa inyo na huwag humusga ng panlabas na anyo ng isang tao at nawa’y malaman niyo na walang limistayon sa dalawang taong nagmamahalan ng tunay.
Anong masasabi niyo dito? Nainspire ba kayo sa kwento? Ibahagi ninyo ang inyong mga komento!
source:readersportal