Isang Bakery ang Gumawa ng Unicorn Cake, Subalit Natawa na Lamang ang Customer ng Ganito ang Itsura ng Ginawang Cake!

Naniniwala ka ba sa mga fairy tales? Ang mga mitolohiyang nilalang gaya na lamang ng isang unicorn na may kaakibat na itsura gaya ng kabayo ngunit may matulis na paikot na sungay sa kanyang itaas na noo. Ang  kakaibang nilalang na ito ay sinasabing may magandang iba’t ibang kulay na buhok na nakakaakit kung titignan. Kadalasan ito ang mga paboritong character ng mga batang babae. Na ninanais nilang makuha bilang isang regalo lalo na sa espesyal na kaarawan ay gustong magkaroon ng isang unicorn cake.




Marami na ngayon ang mga gumagawa ng cake designs na siyang mas binibili para sa mga bata sa kanilang birthday. Nauuso na ngayon paggamit ng ‘Fondant’ kung saan ito ay isang uri ng icing na maaari mong maihulma sa gusto mong hugis o design ng iyong cake.

Dahil sa unti-unting pagsikat nito, may isang bakery ang gumagawa ng cake sa Puerto Rico na nakakagawa ng mga iba’t ibang design ng mga paboritong character ng mga bata na siyang ilalagay sa cake. Alam naman natin ang typical na itsura ng Unicorn, subalit ang bakery na ito ginawang kakaiba ang Design ng cake na ito.



Ginawa nilang nakakatawa ang design ng cake kung saan naghulma sila ng Unicorn na may malaking tyan at may design na parang kinagatan niya ang cake sa gilid. Hindi tuloy mawari ng nagpagawa kung matatawaba ito o maiinis dahil iba ang litratong binigay nito sa ginawa ng bakery na ito. Pero marami naman nagsasabi na cute ang kanilang disenyo.

Ito sana ang cake na gustong ipagawa ng kanilang customer:

Subalit narito kung anong klaseng disenyo ang ginawa ng customer na ito:

Makikita sa litrato na ang cake ay kinain ng isang matabang unicorn na natutulog na sa gilid at hindi maiwasan kainin ang cake na nakalabas pa ang kanyang dila habang natutulog.


Ang cute nga naman ng ganitong mga klaseng cake! Ano sa tingin niyo? Maganda bang ideya ito para sa susunod na kaarawan ng iyong anak na babae upang matuwa at magulat sa kanyang kakaibang unicorn cake? Share your thoughts below!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *