Kahit na Hindi Siya Nakapagtapos ng Pag-aaral, Naging Isang Milyonaryo ang Lalaking Ito sa Edad na 33!

Kadalasan na iniisip natin o sinasabi ng ating mga magulang na mag-aral ng mabuti upang gumanda ang buhay mo at mabili ang iyong mga ninanais na bagay. Ito ang kadalasang naririnig natin na paulit-ulit sa bibig nila. Na ang edukasyon ay isang paraan upang makaahon ka sa kahirapan at umangat sa estado sa buhay. Pero hindi lahat ng nakapagtapos ay nagtatagumpay at umaasenso. Ito ay ang diskarte lamang natin sa buhay.




Gaya na lamang ng isang Malaysian na taga-alaga ng baka na si Saipol Azmir Zainuddin na kahit hindi siya nakapagtapos ng kanyang pag-aaral ay may ipagmamalaki siya sa kanyang buhay.

Ninanais naman nating lahat na magkaroon ng matataas na marka sa grado at mapasa ang ating pinapangarap na unibersidad at higit sa lahat ay magkaroon ng gantimpala sa pagtatapos upang makauwi ng karangalan, at sa pagtatapos ay makapagkakaroon ka ng mataas na sweldo at magandang buhay.


Talaga nga naman na ang buhay ng isang magsasaka ay napakahirap. At dahil dito, napahinto muna sa kanyang pag-aaral si Saipol noong anim na taong gulang pa lamang siya upang mag trabaho. Ibinahagi niya sa isang ulat na kahit huminto siya ng pag-aaral na mas maaga kaysa sa kanynag mga kaibigan, ang pagiging isang magsasaka ay ang kanyang tunay na pangarap. Sinabi rin naman niya na hindi niya binitawan ang kanyang pag-aaral upang magtrabaho bilang isang construction worker.

Sa kada buwan ay kumikita siya sa mahigit kumulang na P10,000. Gumagamit din siya ng konting pondo upang makapagparami ng kanyang baka at patuloy niya itong ginagawa hangang siya ay 18 na taong gulang. At nagkaroon siya ng mahigit na 300 na baka, sa panahong iyon ay nakakapaglako na sila ng kanilang mga baka sa bayan. Unti-unti siyang nag-ipon dahil pinapangarap niya na magkaroon ng isang farm balang araw.



Noong 19 taong gulang na siya at nakapag-ipon na ay nag apply siya ng loan na mahigit P1,000,000 sa Farmer’s Organisation Authority Malaysia (LPP).

Sa ngayon, si Saipol na 33 taong gulang na isang magsasaka, mayroon ng 700 na baka, 150 na kambing, 30 na buffalo at nitong nakalipas na taon lamang ay nagkaroon siya ng Malaysian Ringgit na 1 million sa pagbebenta ng mga hayop.


Nakakamagha ang kanyang kwento dahil nag simula pa lamang siyang mangarap noon at ngayon isang bigating milyonaryo. Minsan nga naman talaga ay dadapuan ka ng swerte sa iyong career, minsan naman ay makakahanap ka ng paraan umangat ang iyong buhay kahit na ikaw ay hindi nakapagtapos ng pag-aaral. Subalit importante pa rin sa mga estudyante ngayon na tapusin ang kanilang pag-aaral upang mas magkaroon ng tyansa na umasenso ang buhay.

Nainspire ba kayo sa kwento ni Saipol? Ibahagi niyo sa amin ang inyong mga reaksyon!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *