Dati Siyang Licensed Teacher Noon, Nang Dahil sa Hindi Inaasahang Pangyayari Basurero na ang Kanyang Hanapbuhay Ngayon Subalit Patuloy Pa rin ang Pag-aaral Nito!

Pangongolekta ng plastik na bote at mga dyaryo ang hanapbuhay ni Tatay Alfredo Manuel. Siya ay isang basurero na naninirahan sa Maynila na nagsusumikap makaahon sa buhay. Ngunit sinong makakaisip na ang matandang lalaki na madalas na nakikita sa daan ay isa palang lisensyadong guro na mahilig magaral ng agham at patuloy na na-eengganyong magaral kahit sa kaniyang katandaan.

Base sa isang Facebook post ni Andrew Pamorada, si Manuel ay madalas natatagpuan sa Taft Avenue, Pedro Gil, at sa De La Salle University (sa may daan ng Agno at Castro street). Sa kwento ni Pamorada, nakahanap siya ng libro na naglalaman ng siyentipikong pangalan ng mga halaman nang siya ay nasa Iligan City (Timog bahagi ng Pilipinas); kaya agad niya itong binili para ibigay na regalo para kay Tatay Manuel.



Talaga nga naman na masaya ang matanda nang matanggap ang libro. Kwento pa niya na matagal na niyang gusto ang mismong libro, ngunit masyado itong mahal at hindi niya kayang bilhin. Kahit na basurero si Tatay Manuel, hindi tumigil ang kaniyang pagaaral.

Ngunit hindi naman siya nagsimula bilang isang basurero. Sa totoo lang, nagtrabaho siya bilang isang janitor sa isang elementary school. Nang siya’y naroon pa, ginamit niya ang kaniyang sweldo upang makapagaral sa kolehiyo. Kaya naman nakamit niya ang kaniyang pangarap at nakapagtapos ng kursong pang-edukasyon sa University of the East (UE). Maliban doon, nakapasa rin siya sa civil service exam (na kailangan upang makapagsilbi sa ilalim ng gobyerno) at ang Licensure Exam for Teachers (LET) noong 1992.



Ayon sa GMA News, limang taon siyang naghanap ng trabaho bilang isang guro ngunit nabigo siya. Hindi niya alam na mayroon pala siyang hindi nalutas na kaso ng pagnanakaw sa eskuwelahan kung saa’y dati siyang nagtrabaho. Di nagtagal, siya ay sumuko sa kaniyang pangarap na makapagturo at naging basurero, subalit kahit gaano kahirap ang kanyang tinatahan na buhay ay tinuloy niya parin ang pagaaral gamit ang mga lumang dyaryo na kaniyang kinolekto, at iba pang mga batayan.



Sabi rin ng ng netizen na nagpost ng kanyang istorya at sa mga taong nakakakilala sa kaniya, si Tatay Manuel ay napakatalino. Naisaisip niya ang iba’t ibang pangalang siyentipiko ng mga halaman, at kayang kaya niyang sagutin ang mga katanungan mo tungkol dito.