Inakala ng Iba ay Snatcher ang Bata na Ito. Subalit ng may Nagkusang Loob na Netizen na Kausapin ang Bata, Naantig ang Puso ng Marami!

Minsan, nagiiwan ng marka sa ating puso ang mga taong hindi natin inaasahang gagawa nito. Kahit na sandali lamang nakasama ng isang netizen ang bata ito, nakapulot siya ng mahalagang aral matapos itong kausapin. Isang netizen na nagngangalang Diane Alcarmen ang nag-post sa Facebook tungkol sa nangyari nang magtanghalian siya isang araw kasama ang kaniyang anak sa isang kilalang fastfood chain.




Nakita niya ang isang bata na kumakain sa isang pang-apatan na upuan. Bumili ang netizen na ito at habang sila ay kumakain napansin niya na walang kasama ang bata na kumakain. Dahil umabot na sila ng tanghalian, dumami ang tao sa loob ng Jollibee Fastfood chain at nag-alala ang netizen na ito na baka paalisin ang bata dahil sa madungis niyang itsura at dahil baka maraming customer ang pumapasok sa loob.

Ilang sandali lamang ay may dumating na mukhang mayaman na pamilya at umupo malapit sa mesa ng bata. Napansin ni Diana na tinitignan ng mga tao ang bata na tila ba na inaakala nila itong snatcher. Narinig pa ni Diana na sinabi ng katabing customer ng bata sa kanyang kasama na bantayan ang kanilang bag na may halong pagdududa sa kanilang mga mata.

Dahil sa nakita at narinig, inalok niya ang bata na lumipat sa kanilang mesa at nalaman niya ang malungkot na istorya ng buhay ng isang 12 gulang na batang si Jairus.

Walang ina si Jairus at tanging ang kapatid lamang ang kasama niya. Hanapbuhay nilang dalawa ang pagwawalis ng daan kung saan binibigyan sila ng kakaunting sahod. Tinanong ni Diana kung bakit ito nasa loob ng fastfood chain at ang sagot ng bata ay dahil wala raw itong makain sa kanilang bahay. Tila nahihiya pa itong sumagot ayon kay Diana at puro ngiti na lamang ang isinasagot ng bata.

Tinanong ni Diana kung kailan ang kaarawan ni Jairus at nagulat ito ng nalaman niyang magkaparehas sila ng birth month. Kaya naman naisipan nito na bigyan niya si Jairus ng kanyang phone number upang kontakin ito sa araw ng kanyang birthday dahil mayroon itong ibibigay na regalo sa kanya.


Bago pa man umalis sina Diane kasama ang kanyang anak, binilhan niya ito ng dalawang meals at binigyan ng pamasahe pauwi upang hindi na ito maglakad pa. Saka tinanong ni Diane kung ano ang sinabi sakanya ng Jollibee staff, ang sagot naman ng bata, “Sabi mo pa niya (Jollibee staff) balik daw po ako bukas dito kasi bibigyan niya daw apo ako ng pagkain”.

Naantig ang puso ni Diana dahil na rin sa ginawang kabutihan ng Jollibee crew na iyon. Hindi niya lubos maisip na kung sino pa ang “minimum wage earner” ay sila pa ang mas matulungin sa kanilang kapwa kaysa sa kanyang nakita na isang pamilya na inakalang snatcher ang bata.



Matapos ang kanilang pagkatagpo, napagtanto ni Diane ang isang napakahalagang aral. Kahit hindi siya natuwa sa pamilyang humusga kay Jairus, masaya siya na may puso ang waiter na tumulong sa bata. Nakita niya na hindi kailangang maging mayaman upang tumulong sa iba.

Nakatanggap din siya ng maraming puri sa mga netizens ibinahagi niya ang post na ito. Marami sa kanila ang nabigyan ng inspirasyon sa istorya na ibinahagi ni Diana.

Anong masasabi niyo dito? Sana ma-inspire kayo sa kwentong ito at matutunan na hindi dapat tayo tumitingin sa panlabas na anyo ng isang tao dahil hindi natin alam na may puro kabutihan pala ang kanilang kalooban