Marami ang Humanga kay Bimby nang Inalok Niya ang Ina na si Kris Aquino na Ibahagi ang Kanyang Kidney Upang Ito ay Gumaling!

Kamakailan lamang, binalita at ibinahagi ng “Queen of All Media” na si Kris Aquino sa kanyang Instagram post na nakakaranas ito ngayon ng mga sintomas kaya naman naisipan nitong magpunta sa Singapore upang magpakonsulta sa mga espesyalista.




Sa kanyang post, ibinahagi ni Kris na ito ay mayroong autoimmune disorder kung saan inakala nito na baka mayroon siyang isang kondisyon kagaya ng aktres sa Hollywood na si Selena Gomez na may Lupus. Isa ring autoimmune disorder na may parehas na sintomas sa pinagdadaanan ni Kris. Subalit ang klase ng autoimmune disorder ni Kris Aquino ay tinatawag na “Chronic Spontaneous Urticaria”.

Ang Chronic Spontaenous Urticaria ay isang klase ng skin rash na may reddised, raised at itchy bumps. Mayroon din itong mahapdi-hapdi na pakiramdam at ito ay maaaring tumagal ng anim na buwan o higit pa. Maaaring kumalat sa iba’t ibang parte ng katawan ang red rashes na ito.



Dahil sa pagaalala ng mga anak na si Bimby at Josh, hindi mapigilan ng dalawa ang maiyak sa kalagayan ng kanilang Ina dahil sa takot na baka ito ay mas lumala. Sa kanyang post, ibinahagi ni Kris kung gaano nag-alala si Bimby at inalok nito na ibigay sa kanyang Mama ang isang kidney ni Bimby.

Ayon sa kanyang caption, “Bumagsak po ang katawan ko, in 1 month I lost 15 pounds. I was Scared, our Mom had unexplained weight before her terminal !llness. That’s why I had my series of bloodtests. This is our TRUTH. It was heartbreaking to see my 11 year-old crying inconsolable tears and pleading, ‘please don’t leave me mama’. Bimb even offered me his kidney.”

Hindi napigilan din ni Kris na malungkot at maiyak dahil sa sinabi ni Bimby. Natakot din umano ang aktres dahil sa kanyang biglaang pagbagsak ng timbang. Madalas din daw itong inaallergy attack at nakakarans ng migraine at hypertension. Kaya naman marami rin netizens at fans na nag-alala sa kalagayan ng aktres.


Nagpunta ito sa Singapore upang magpacheckup at upang kahit papano ay mabawasan ang kaba at takot ng kanyang pamilya sa kalagayan ng aktres. Maraming factors ang nakapag-trigger sa kanyang kalagaya at ang pinaka unang factor na ay ang kanyang ‘overwhelming stress’ na nararanasan.

Kasalukuyan itong nagpapagaling at kumokonsulta sa kanyang mga espesiyalista sa Singapore. Sumailalim din ito sa iba’t ibang treatment upang maibalik ang kanyang healthy na pangangatawan.

Marami namang netizens ang nagbigay ng suporta sa aktres sa tulong ng pagdadasal at pagbibigay ng positibong komento sa nakakatouch na sinabi ng kanyang anak na si Bimby. May ilan ding mga artista tulad ni Sharon Cuneta ang nagbigay suporta sa kanyang kalagayan.