Para sa mga mahihilig sa Bollywood, malamang kilala niyo si Aishwarya Rai, isang magandang aktres sa India na naging parte na ng maraming pelikula at drama.Pinanganak noong 1973 sa isang tradisyonal na pamilya sa bandang Timong ng India, maganda ang pagpapalaki kay Aishwarya. Nagtapos siya ng kolehiyo, at naging isang modelo rin. Dahil sa kagandahan at tindig, siya ay naging sikat sa mga tao sa iba’t ibang bansa.
Noong 1994, nanalo si Aishwarya sa ‘Miss World’ sa South Africa, at naging parte ng ilang pelikula sa India, tulad ng ‘Bohabbatein’, ‘Devdas’, ‘Hum Dil De Chuke Sanam’, at iba pa. Ang kaniyang mala-asul at berde niyang mga mata ay tunay na nakakaakit.Madaming nabibighani sa kaniyang mga mata at hindi nagtagal, kilalang kilala na siya sa lahat ng bahagi sa India.
Noong 2003, siya ay tinanghal bilang “World’s most charismatic woman” sa website ng UK HELLO magazine, na may 33% na boto. Ginawan din siya ng hubog ng wax sa Madame Tussaud’s wax museum. Siya ang pinakaunang babae sa India na magkaroon nitong karangalan na ito.
Mula noon, ang kaniyang ranggo bilang pinakamaganda sa India ay hindi natila. Ang kaniyang mukha ay kilala sa India at sa ibang parte pa ng mundo. Ngunit hindi ganun kaganda ang nadulot ng kaniyang tagumpay. Madami parin siyang narinig na kritisismo sa paglalabag ng tradisyonal na kultura ng India.
Siya ay gumagawa ng pelikulang “Dhoom2” nang makita ang aktor na si Abhishek Bachchan.Nagplano silang ikasal, ngunit hindi sila pinayagan ng mga tao dahil na rin sa tradisyon at haka-haka na magdudulot lamang daw ng masamang kapalaran kapag si Aishwarya sa kanyang magiging asawa.
Kaya ipinayo ng ama ni Abhishek na sundan ang tradisyon at pakasalan ang isa sa kanilang mga diyos na si Vishnu na nananao sa isang puno ng saging upang mawala ang kaniyang masamang kapalaran. Kapag nangyari ito, papayag ang ama ni Abhishek na ikasal sila.
Maniwala ka man o hindi, ikinasal ang pinakatanyag at pinakamagandang babae sa India sa isang puno ng saging. Noong 2007, si Aishwarya at Absekja ay nagkaroon ng enggrandeng kasal at namuhay ng masaya. Sa kabila ng lahat, ipinagpatuloy parin ni Aishwarya ang kaniyang career.
Naging mas tanyag at matagumpay siya matapos niyang ginawa ito. Umarte siya sa mga pelikulang nagkaroon ng magandang marka, tulad ng ‘Akbar’, ‘Guzaarish’, ‘Enthiran’, at iba pang magagandang pelikula. Mas lalo pang napamahal sa kaniya ang mga mamamayan sa India.
Noong Nobyembre 2011, nagsilang ng magandang anak na babae si Aishwarya. Ang pagiging ina at pagluwal ng isang malusog na sanggol ay dapat magandang balita para sa lahat, ngunit pinuna si Aishwarya sa kaniyang pagtaba matapos ang kaniyang pagsilang sa anak, at tinawag siyang ‘traydor’ sa kaniyang katawan. Sabi ng iba ay ang kaniyang pagtaba ay isang insulto sa India.
Sa kabutihang palad, hindi ito pinansin ni Aishwarya dahil sa kaniyang pagiging edukado. Malumanay niya sinabi na masaya siya sa pagiging isang ina. Pumayat din siya at muling bumalik sa pag-arte sa mga tanyag na pelikula. Isa rito ay ang ‘Sarbjit’ na kilalang-kilala sa taas ng marka. Gumanap siya bilang isang babae na lumaban para sa kamiyang kapatid na inakusahan bilang isang terorista.
Totoo na hinuhusgahan natin ang iba base sa kanilang itsura. Ngunit ang kagandahan at kabataan ay mawawala rin kapag dating ng araw. Ang kahalagahan ng isang tao ay nakikita sa kaniyang kalooban. Ang magandang karakter at mabuting puso ay tatatak sa mga tao, at iyon ang tunay na mahalaga.
Hindi man sigurado kung totoo ang tradisyon, sinunod pa din nito ni Aishwarya upang magkaroon ng magandang buhay kasama ang minamahal.
Anong masasabi niyo dit? Ibahagi niyo sa amin ang inyong reaksyon!