Sunshine Cruz, Ibinahagi ang Kanyang Karanasan ng Sila ay Mag-Honeymoon ni Cesar Montano!

Alam natin ang istorya ng kalunos-lunos na hiwalayan ni Sunshine Cruz at Cesar Montano. Pagkalipas ng 13 taon, ipinawalang-bisa ng dalawa ang kanilang kasal. Ayon sa mga balita, hindi maganda ang pagtrato umano ni Cesar Montano kay Sunshine Cruz. Matapos ang matagal nilang pagdedebate sa korte, ngayon ay ipinagkaloob na ng korte ang pagwawalang-bisa sa kanilang kasal.

Dahil dito, naisip ni Sunshine na ipagtapat ang hindi magandang karanasan niya nang mag-luna de miel o honeymoon sila ni Cesar pagkatapos ikasal. Ang kaniyang ibinahagi sa isang interview ay siya namang ikinagulat ng marami.




Ayon sa 41 taong gulang na aktres, akala niya ay magiging maayos na ang lahat nang sila ay ikasal. Una pa lamang ay alam na ni Sunshine na talagang mainitin ang ulo ni Cesar. Dahil sa pagmamahal niya rito, napagdesisyunan niya na ituloy ang kanilang relasyon.

Narito ang rebelasyon ni Sunshine tungkol sa kanyang dating asawa, “Masakit man aminin, pero honeymoon pa lang, tinapon niya yung wedding ring namin sa ano, nung nag-Carribean cruise kami,” kwento ni Sunshine.


Sinabi rin ni Sunshine na pinilit ni Cesar Montano na ipahayag ni Sunshine sa publiko na lahat ng eksena niya sa kama kasama ang ibang mga aktor ay totoo. Hanggang sa hindi na kinaya ni Sunshine ang trato ng kanyang asawa at pinili niya na ipaglaban ang katotohanan at tumayo sa tama.

“Sa honeymoon namin, sabi ko, ‘Kahit balatan mo ako, kahit itapon mo ako sa dagat, wala akong aaminin! Kasi, hindi totoo!’” dagdag ni Sunshine sa pagkkwento ng kanyang karanasan.


Kahit na mahirap ang kaniyang buhay kasama ang aktor, ipinahayag niya ang kaniyang kasiyahan nang mapawalang-bisa na ang kanilang kasal matapos ang apat na taon. Masaya rin siya na ibinahagi ang kaniyang kasalukuyang relasyon nila ni Macky Mathay. Ayon sa kaniya, magaan ang loob ng mga anak niya kay Macky, at mahilig silang kumain sa labas at mamasyal bilang kanilang bonding time.



Ang “Wildflower” na aktres ay mahilig din ipakita sa Instagram ang retrato ng kaniyang pamilya, na nagpapahiwatig na masaya na siya sa kaniyang buhay ngayon.

Marami ang nagulat sa rebelasyon na ipinahayag ni Sunshine dahil hindi nila inaakala na ganito pala ang pagtrato ni Cesar Montano sa kanyang asawa.