Mga Sikat na Dating Pinoy Child Stars, Ito na ang Kanilang Itsura Ngayon!

Ang Pagigigng artista ay walang katiyakan kung hanggang kalian ka magiging sikat at kilala. May mga tumatagal sa industriya ng showbiz, may nawawala at may mga pinipili naman na iwan ang showbiz para sa Edukasyon.

Ang mga artistang bata naman ay nakapagbibigay ito ng giliw, ligaya at kasiyan sa mga manunuod. May mga likas na bata pa lamang ay mahusay na sa pag-arte,kanta, at sayaw. May mga bata na likas na talentado kahit bata pa lamang.
Narito ang mga Dating Childstar. Kilala nyo pa ba sila o natatandaan? Maaaring ang mga ilan sa kanila ay natatandaan nyo pa at naaalala kung gaano sila kagaling umarte sa telebisyon.

1. Rhed Bustamante

Kilala ang batang ito bilang gumanap na batang kontrabida sa “Flor de Liza”. Marami na rin siyang mga nagawang pelikula kasama ang mga ilang artista. Nananalo rin siya bilang child best actress sa pelikulang “Seklusyon”. Siya ay 13 yrs.old sa kasalukuyan. Noong 5 yrs.old siya nagsimula sa showbiz ngunit bigla na lang ito nawala sa showbiz. Ngayon, gusto niya muling makabalik sa showbiz para matulungan ang kaniyang mga magulang.




2. Angeline Nicole Sanoy


Nakikila si Angeline Nicole Sanoy noong 10 yrs.old siya. Marami na siyang mga nagawang pelikula at mapatelebisyon kasama ang mga ilang artista gaya ni Glaiza de Castro na tinulungan siya sa isang tampok na serye sa isang programa ng GMA. Hindi tumagal ang pananatili niya sa showbiz. Ngunit kilala pa rin siya ng mga taong sumuporta at nanuod sa kaniya.



3. Jiro Manio

Sino ba naman ang hindi nakakakilala sa artistang si Jiro Manio na tumampok ang pelikulang kaniyang ginanap na ‘Magnifico’ na umantig sa lahat ng manunuod. Marami rin siyang mga nagawang pelikula at mabatelebisyon kasama ang iba’t ibang bigating artista hanggang sa ngayon. Ngunit, ang pagiging sikat niya na artista ay hindi rin nagtagal ngunit tumatatak sa mga manunuod ang kaniyang pangalan.

4. CJ Ramos

Kilala in si CJ Ramos bilang isang award winning child actor noong kabataan niya. Marami na siyang mga nagawang proyekto sa showbiz gaya na lamng ng ‘Tanging Yaman’. Napabalitaan na sa kaniyang pagkawala sa showbiz ay nalulong siya sa masamang bisyop ngunit ngayon tinulungan siya ng actor na si Coco Martin upang makabalik muli sa showbiz.


5. Tom Taus


Nakilala si Tom Taus noong kabataan niya sa ‘Prince Cedie’ naitinampok noong 1996. At ‘Anak ng Bulkan’ na gumanap siya bilang dambuhalang agila. Bata pa lamang siya ay nag-aartista na. Kilala rin ang kaniyang kapatid na Antoinette Taus bilang isang artista. Ngayon ay nagpupursige siya sa kaniyang napiling career bilang isang Dj.

6. Serena Dalrymple


Kilala rin si Serena Dalrymple bilang isang child star. Sa kaniyang pagnining sa industriya ng showbiz ay marami siyang mga nagawang pelikula, mapatelebisyon at bilang isang commercial model na rin. Nakatanggap rin siya ng mga award at isa na rito ang FAMAS award bilang best child actress.Noong nakaraang taon na 2010 ay nagraduate siya sa kursong Business Administraton sa De La Salle-College of Saint Benilde at 2013 naman ay natapos niya ang kaniyang Master’s Degree sa Hult Internatonial Business School.