Mga Pinay Celebrities na may Pinakamagandang Short Hair!

Karamihan sa mga babae ay may long hair kaya naman sa tuwing naiisipan nilang magpalit ng look, nagpapaiksi sila ng kanilang mga buhok upang mapansin ang kanilang kagandahan. Normal lamang na magdalawang isip na sumubok ng bagong estilo ng buhok. Malaki ang epekto ng ating buhok sa ating anyo.

Nakakainis nga naman talaga pag ka hindi mo bagay ang iyong bagong gupit ng buhok. Kaya naman sa artikulong ito, ibabahagi namin ang mga celebrity na may pinakamagandang short hair upang magkaroon kayo ng hair inspiration sa inyong susunod na pagbisita sa salon.



Narito ang mga artista na may pinakamgandang Short Hair:

1. Jessy Mendiola

Marami ang nagsasabi na bagay ng Aktres ang kanyang napakahabang buhok dahil ito ay nagmumukhang mala-anghel sa kanyang itsura. Subalit nagulat ang marami ng biglaang nagpaiksi ng buhok si Jessy at kanyang dahilan ay para maiba lamang ang kanyang itsura.

2. Heart Evangelista

Kilalang kilala si Heart Evangelista bilang isang bigatin na fashionista. Kaya mula sa kanyang hairdo hanggang sa kanyang sapatos ay asahan mong well-groomed ito. Isa si Heart sa mga artista na nagpaiksi ng buhok at nagmukhang siyang mas matured at pormal dahil dito.



3. Sarah Geronimo

Simula ng kanyang Pelikula kasama si John Lloyd Cruz, nagpaikli ng buhok si Sarah at hanggang ngayon ay pinapatili niya itong sa itaas ng kanyang balikat. Dahil sa kanyang heart-shaped face, bagay ni Sarah ang kanyang short hair look.

4. Bea Alonzo

Laking gulat ng kanyang mga fans ng magpashort hair at bangs si Bea Alonzo dahil nag mukhang itong hollywood aktres sa kanyang new look.

5. Jodi Sta. Maria

Kilala si Jodi na mayroonng maiksing buhok sa mga aktres. Sa kanyang payat na pangangatawan, bagay ni Jodi ang short hair dahil mas nagmumukhang itong bata at sylish.

7. Maricar Reyes-Poon

Marami ang nagulat ng magpa-super short hair ang aktres na si Maricar Reyes-Poon. Ang kanyang mala-boy cut na hairstyle ay kanyang ibinahagi sa isang Instagram video kung paano ito inayusan at ginupitan sa isang kilalang salon.

8. Angelica Panganiban

Naging mas blooming si Angelica ng makasama niya si Carlo Aquino sa kanyang pelikula. Mas lalong naging young looking ito ng nagpashort hair ang aktres.

9. Rhian Ramos

Pinaputol ng Kapuso na aktres ang kaniyang buhok para sa premiere ng kanyang pelikula.


10. Sue Ramirez

Sumikat si Sue Ramirez dahil sa kanyang angkin na ganda at boses, kaya naman ng ito ay nagpa pixie cut, mas lalong dumami ang kanyang tagahanga dahil mas ikina-hot ito ng aktres. Walang duda na nagmukha siyang artista sa Hollywood dahil sa buhok.

11. Kathryn Bernardo

Simula nang magdalaga ang aktres na si Kathryn, ito ay nagsimula na rin magpalit ng kanyang hairstyle mula sa long hair hanggang sa short hair. Marami ang nagsasabi na bagay ito ni Kathryn dahil mas lalong nakita ang kanyang ganda.