Talaga Naman Nakakamangha ang Kagandahan ni Kaila Estrada, Ang Model at Napakagandang Anak nina John Estrada at Janice de Belen!

Kilalang kilala ang loveteam nina John Estrada at Janice de Belen noon sa totoong buhay bilang magkasintahan. Subalit sa dami ng kanilang pinagdaanan, hindi sila pinagpala na makatuluyan ang isa’t isa. Kahit na sila ay nagkahiwalay, nagkaroon naman sila ng napakagandang anak.

Siya ay is Kaila Estarada, ang 22 year old daughter nina Janice de Belen at John Estrada na ngayon ay unti-unti nang sumisikat dahil sa kanyang ganda.


Si Kaila ang kasalukuyang isa sa mga sought-after model sa Pilipinas at maging sa ibang bansa. Nagsimula itong makilala nang pumasok siya sa fashion world bilang isang model. Isa din siyang contract artist sa ‘Mercator Models and madalas na rin siyang nagkakaroon ng appearances sa Magazines at iba’t ibang endorsement deals tulad ng kilalang fashion line na “Folded and Hung”.




Nakapatapos si Kaila ng degree in Arts Management sa isang magandang university ang De La Salle-College of St. Benilde. Matapos siyang makagraduate dito ay nagsimula siyang pumasok sa fashion world.

Nagsimula itong mag-model noong siya ay 17 years old pa lamang. Nakasubok ito ng kanyang unang runway shows noong 25th anniversary event ni Randy Ortiz.

Magkaibang-magkaiba sila ng kanyang kapatid, dahil para kay Kaila hindi niya gusto ang pumasok bilang showbiz actress dahil mas gusto nito na nasa ‘fashion world’. Kung ang kanyang ibang kapatid ay mahilig sa mga designer bags at shoes, si Kaila naman ay mahilig sa pag-make up.



Bukod dito, mahilig din mag-work out si Kaila sa Gym upang ma-attain ang kanyang body goals. Ito ang pangunahing kailangan ni Kaila bukod sa kanyang kagandahan, mas nagpupursige itong mag-workout upang ma-achieve ang kanyang slim figure.



Talaga namang kaakit-akit ang kanyang mga Instagram photos na parang pang Hollywood models ang dating ng kanyang mga pose at outfit. Kaya napakarami ang humahanga kay Kaila dahil mayroon itong tinatagong talento sa pagmomodel na talaga namang siyang ikakasikat niya.

Talaga nga namang napakagandang talaga ni Kaila Estrada, matutunghayan pa natin ang kanyang pagsikat dahil unti-unti na itong nakikilala noong nakapasok siya sa fashion modelling industry.