Sila Pala ang mga Celebrities na Single Parents na Itinaguyod ang Kanilang mga Anak!

Bilang mag isang nagtataguyod sa anak ay isang mahirap na trabaho na kinakailnaggan ng dobleng aksyon at kayod upang masuportahan ang anak. Binibigay nila ang kanilang buong araw para magabayan nila ang kanilang mga anak upang magkaroon ng magandang buhay.

Ang hirap nga naman ang buhay ng mga single parents lalo na kung sila ay nagtatrabaho habang nag-aalaga pa ng kanilang mga anak. Hindi mo aakalain na karamihan din sa mga single parents ay ang mga sikat na Pinoy celebrities sa showbiz.

Narito at kilalanin natin ang ilang pinoy celebrities na mag isang itinataguyod ang kanilang mga anak ng walang kumpas ng pagod sa kanilang mukha:

1. Andi Eigenman





Mayroon isang anak na babae si Andie Eigenmann na si “Ellie”. Maraming kumakalat na balita na si Albie Casino ang kanyang ama ngunit lumabas sa DNA test na ang bata ay anak ni Jake Ejercito. Mag-isang itinaguyod ni Andi Eignemann si Ellie kasama ang kanyang nanay na si Jacklyn Jose.

2. Jennylyn Mercado

Nagkaroon ng anak si Jennylyn sa kanyang dating ex boyfriend na si Patrick Garcia. Mag-isa din itinaguyod ng aktres ang kanyang lalaking anak na si ‘Jazz’ habang ito ay nasa showbiz.

3. Jodi Sta. Maria


Mas nakilala si Jodi Sta. Maria nang sumikat ang kanyang loveteam kasama ni Richard Yap sa teleserye na “Be Careful With my Heart”. Bukod sa kanyang paghihirap sa taping at acting career, mag-isa din pinalaki ni Jodi ang kanyang anak na si Thirdy.



4. Lj Reyes

Bilang isang award winning na aktres, ibinahagi din ni LJ Reyes sa media ang kanyang mga pag-subok na hinaharap bilang isang magulang na nagtataguyod ng kanyang anak na si Aki.

5. Sunshine Dizon

Taong 2016, ibinahagi ni Sunshine Dizon na ang kanyang niloloko umano ito ng kanyang asawa na si Timothy Tan. Marami ang humanga sa aktres dahil sa pagiging dedicated mother sa kanyang anak.

6. Sunshine Cruz

Matapos makipaghiwalay ni Sunshine Cruz sa kanyang asawa na si Cesar Montano, mag-isang itinaguyod ni Sunshine ang kanyang tatlong babaeng anak. Kahit gaano pa man kasalimuot ang kanyang pakikipaghiwalay sa asawa, nakaya pa rin ni Sunshine na palakihin ang mga anak.

7. Geneva Cruz

Kilalang kilala noon si Geneva Cruz bilang isang sikat na singer at aktres sa showbiz. Nagkaroon ito ng dalawang anak na mag-isa niyang itinaguyod sa London.

8. Ruffa Gutierrez





Pagkatapos ng hiwalayan nila ni Yilmaz Bektas at Ruffa Gutierrez, kinaya ng aktres na maging isang single mom sa kanyang naggagandahang dalawang anak na babae.

9. Denise Laurel

Hindi mo lubos na maisip na may anak na ang aktres na si Denise at mag-isa niya itong pinalaki habang siya ay umalis ng panandalian sa showbiz industry upang mag focus sa kanyang anak.

10. Ciara Sotto

Naging isa siyang dedicated na ina sa kanyang lalaking anak na si Crixus pagtapos ng paghihiwalayan nila ni Jojo Oconer.