10 Pinay na Celebrities na May Mayayaman na Kasintahan! Ganito Pala Kayaman ang mga Ito!

Gaya ng ng sabi nila hindi napupulot ang pera kinakailang mo munang mag sikap upang maabot ang iyong pangarap sa buhay. Alam naman natin kung gaano kayaman ang mga artista dahil na rin sa iba’t ibang sponsors at kabilaan na mga endorsement na kumukuha sa kanila. Mas lalong maswerte ang pagiging buhay artista kung mapapangasawa mo pa ang mga mayayaman na businessman at kilalang tao sa industriya. Ito lamang ang ilang mga pinay celebrites na may mayaman na kasintahan!

1. Anne Curtis at Erwan Heussaff

Si Erwan ay isang French- Filipino chef, food blogger at nag mamay-ari ng isang restaurant. Kilala rin siya sa kanyang kapatid na model na si Solenn Heussaff na isang matalik na kaibigan ni Anne. May 7 na restaurants si Erwan sa metro manila at kumikita din ito sa kanyang pag-vlogging.




2. Alex Gonzaga at Mikee Miranda

Galing si Mikee sa isang kilalang pamilya sa Lipa, Batangas na sila ang nagsusuply sa isang bangko na mayronng walong branches. Kaya naman laking swerte ni Alex sa kanyang kasintahan na si Mikee.

3. Bianca King at Julio Villafuerte

Si Julio ay galing sa isang influencial Clan mula sa Bicol. Siya rin ay ang pinaka-batang kapatid ni Migz Villafuerte na isang gobernador. Nagmamay-ari din sila ng isang kupanya na nagkaroon na kumita ng $20 million na dolyar taong 2006.



4. Arci Munoz at Anthony Ng

Si Anthony ay isang bali-balita na kasintahan ni Arci Munoz na siyang nagmamay-ari ng isang malaking kumpanya na nag susupply ng karne sa SM Supermarkets at mayroong napakaraming restaurant sa Manila.

5. Jasmine Curtis at Jeff Ortega

Galing si Jeff sa isang political na pamilya sa La Union, Pangasinan. Nag mamayari din ng isang surfing school sa San Juan at mayrooong ilang private business.

6. Claudia Baretto at Basti Lorenzo

Ang pamilya ni Basti ay nag mamayari ng franchise na Pancake House, Dencio’s, Teriyaki Boy, Yellow Cab at Pepper Steak. Kamakailan lamang ay ibinili na rin nila ang Max’s Restaurant.



7. Georgina Wilson at Arthur Burnand

Alam na natin kung gaano kayaman si Georgina Wilson, pero ang kanyang asawa na si Arthur Burnand ay tila mas mayaman sa aktres dahil mayroon itong kumpanya sa UK at kabilang sa Swire representative sa China.

8. Yam Concepcion at Miguel Unjieng

Talaga naman napakaswerte ni Yam Concepcion dahil ang kanyang kasintahan na si Miguel ay isang corporate program manager sa Ceres, Inc. sa Boston, USA.

9. Nikki Gil at Bj Albert

Ang pamilya ni Bj ay siyang humahawak sa Fila Philipines. Nagmamayari din siya ng kanyang sariling business bukod sa family business nila at noong nakaraang taon ay kinasal na sila ni Nikki Gil.

10. Rhian Ramos at Jason Choahuy

Siya ay isang car racer at Chinese businessman na nagmamayari ng isang catering business na kilala sa Pilipinas.