Kilalanin ang mga Anak-anakan ni Vic Sotto sa Showbiz Industry!

Si Vic Sotto ay kilala bilang isang ama sa industriya, at bigatin na aktor at host sa GMA. Ilang taon din na parte ng showbiz, marami siyang nakasalamuha at nakilalang artista na naging malapit naman sa kaniya. Kamakailan lamang, gumawa ng artikulo ang GMA ng talaan ng mga artista na naging anak niya sa industriya ng showbiz. Walang pagdududa na kayang panatilihin ni Vic Sotto ang kaniyang mga relasyon sa iba kahit na hindi na sila magkarelasyon.

Narito ang mga batang artista na naging malapit na kay Vic Sotto:

1. Ryza Mae at Bae-by Baste

Mga batang artista tulad ni Ryza Mae Dizon at Bae-by Baste ay naging anak-anakan din ni Vic. Dahil sa kanilang mala-anghel na mukha at nakakatawang personalidad, ang 64 taong gulang na host ay hindi mapigilan na ibigin ang mga bata. Tulad ni Maine, sila rin ay kasama sa palabas tuwing tanghali na, “Eat Bulaga.”



2. Aiza Seguerra, Maxene Magalona at Isabelle de Leon

Sina Ice Seguerra, Maxene Magalona, and Isabelle de Leon ay naging malapit kay Vic matapos gumanap bilang kaniyang mga anak sa maraming pelikula at palabas sa TV. Alam natin na si Ice ang naging kilalang anak-anakan ng “Eat Bulaga” host nang gumanap sa mga pelikulang “Okay Ka Fairy Ko” at “Enteng Kabisote.” Samantala, sina Isabelle at Maxene naman ay may papel bilang anak niya sa palabas sa TV na “Daddy Di Do Du.”



3. JC Santos at Gabbi Garcia

Tulad nila, sina JC Santos at Gabbi Garcia ay nagkaroon din ng pagkakataon na makatrabaho siya sa nakakatawang pelikula na “Meant To Beh,” na naging tampok sa mga Pilipino. Sa kaniya namang palabas na “That’s my boy,” nakilala Niya si BJ Forbes “Tolits” at Goyong. Silang dalawa ay produkto ng palabas at naging malapit din sila sa aktor.


4. Mika Dela Cruz at Barbie Forteza

Sina Mika Dela Cruz at Barbie Forteza ay lumabas din sa pelikulang “Ang Darling Kong Aswang.” Tulad ng ibang mga artista, naging anak din sila rito ni Vic, at naging malapit din sa kanilang “tatay” sa pelikulang ito.
At sa wakas ay ang kaniyang tunay na mga anak na sina Danica Sotto at Oyo Sotto. Ang dalawa ay mayroon nang kani-kanilang pamilya at masaya sa kanilang trabaho. Ngunit kahit may sarili na silang buhay, madalas parin silang dumadalaw sa ama na aktor ng “Enteng Kabisote”.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *