Madalas Siyang Tuksuhin ng Kanyang Kaklase Dahil Nagtitinda Lamang Siya ng Fishball, Hindi Niya Napigilan ang Kanyang Sarili na Gawin ang Bagay na Ito Para Matahimik ang Lahat

“Anak lang yan ng Mag-fifishball”
“Wag nating kaibiganin kasi di sya level satin”

Iyan ang parating naririnig na sinasabi ng mga taong hindi man masyadong kilala na dalaga na si Girlie. Oo, isa siyang anak ng nagtitindi ng fishball pero hindi ito alintana sa pagkakaroon ng kaibigan, sa pagkakaroon ng magandang buhay, sa pag-aaral at iba pang gawain sa pang-araw araw na buhay ni Girlie.

Elementary palang ay madalas na siyang asarin ng mga katagang “Fishball, Kikiam, at Palamig” ng kanyang mga kaklase at lagi siyang naiinis dahil sa mga ito, lalo na ng laging pinapansin ang kanyang birthmark sa mukha na hugis bilog at itim “Mukhang sunog na fishball hahahaha” asar sa kanya ng mga walang kaawa-awang kaklase. Pero sa kabila ng mga ito, hindi na lamang niya pinansin ni Girlie dahil alam niyang wala itong makukuha kung magpapaapekto siya dito.

Napakasimple lamang ni Girlie at kahit na minsan ay naiinggit siya sa kanyang mga kaklase ay hindi ito naghangad ng sobrang taas. Maraming dapat tanungin kung bakit naging ganito ang kanyang buhay pero hindi niya nagawa dahil masaya siya sa bawat simpleng pangyayaring nagaganap sa buhay. Tulad na lamang ng mga oras na kung saan naghahatid ng pagkain ang kanyang Ina sa gate ng kanilang school para lang masiguradong busog ang tiyan ng anak nitong si Girlie.




Dumating ang araw ng graduation, lahat ng mga nang-asar kay Girlie ay natameme dahil nakaupo lang silang lahat sa likod nito kung saan ang ibig sabihin ay may mataas siyang parangal na nakuha kaysa iba dahil siya ang class salutatorian sa kanilang batch. Hindi lamang siya ang proud dahil pati na rin ang kanyang magulang dahil sa kabila ng hirap sa buhay marangal pa rin ang kanilang trabahong pinapasukan.

Pagdating ng high school, may mga paproject ang school, may pa-performance sa MAPEH at dahil nangangailangan ng lugar para pag-practisan ang kanilang grupo na malapit lang sa kanilang school naisipan nilang sa bahay na lang nila Girlie dahil mayroon rin naman itong speaker. Pagdating sa kanilang bahay pinansin agad ng mga ito ang kariton ng kanyang Ama at sinabihang basurahan ang kanilang bahay. At doon na naman nagsimula na nakaramdam ito ng hinanakit sa mga kaklase. Ngunit sa kabutihang palad, nagkaroon siya ng mga kaibigan na tanggap kung ano man ang estado niya sa buhay.


Madalas mapagbingtangan ang mga mahihirap na magnanakaw dahil sa estado nila sa buhay. “magnanakaw!” ang madalas na sinasabi kay Girlie noong highschool. Mahirap na nga ay napagkakamalan pang magnanakaw kaya ang ganti na lamang niya rito ay mensahe rin na kung saan sinasabi niya na “Mahirap man ako.. Magutom man ako.. Hinding hindi ako kakain ng nakaw…” Ang importante sa kanya ay may prinsipyo at alam ang totoo sa kanyang sarili.

Nang mag-college na si Girlie, pinasok niya na ang pinakamahirap na pagsubok sa kanyang buhay dahil sa laki ng mga babayarin o gastos kaya naman ang kanyang ama ay nagdoble kayod na at halos lahat ng okasyon sa kanilang baryo ay pinuntahan na makabenta lang ng fishball na makakatulong sa gastusin ng kanyang anak. Sa kabila naman ng paghihirap nagagawa pa rin nilang pasiyahin ang sarili sa mga mumunting bagay na nakakamit.

Ngayon, nakapagtapos na ng Kolehiyo si Girlie at nakapasa sa Bar Exam kung saan isa siya sa Top 10. Habang ito ay nag-aaral noon ay patuloy pa rin ang kanyang magulang na nagtitinda ng fishball sa iba’t ibang lugar. Paminsan minsan ay tumutulong din ito sa kanyang magulang upang matustos ang kanilang gastusin.



Marami ang nakaalam sa nakamit ni Girlie, lalo na ang kanyang mga kaklase na hindi inakala na makakapasa ito ng bar exam na may ranko at pasok sa Top 10.

“Anak lang yan ng mag-fifishball” iyan ang katagang hindi hindi malimutan ni Girlie sa pang-araw araw niyang ginagawa, hindi niya ito ginawang pampababa ng loob kundi nagsumikap siyang makamit ang pangarap para matumbasan ang pagtratrabaho ng kanyang ama.

Ang tanging ginawa ni Girlie ay gantihan na lamang ang kanyang mga kaklase sa paraan na pagsisikap abutin ang kanyang pag-aaral. Lahat ng minamaliit siya noon ay tinatalanga na siya ngayon dahil bukod sa pagkapasa nito ay marami rin itong nakuhang job offer.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *