Naghirap siya Bilang Isang Katulong sa Ibang Bansa, Hindi Niya Inaasahan na may Mangyayaring Maganda na Makakapagpauwi Sakanya sa Pinas!

Mahirap nga naman talagang mawalay sa iyong pamilya at makapagtrabaho sa ibang bansa para mabigyan lamang ang kanilang pangangailangan araw-araw. Puno ng sakripisyo at paghihirap ang kanilang buhay ngunit natitiis nila ito dahil sila ay may pinapangarap para sa kanilang pamilya. Katunayan ang mga OFW ay ang nag sisilbing bilang ang mga modernong bayani ng ating bansa. 

Si Melanie Manansala ay isang 44 taong gulang na nagtatrabaho bilang isang katulong sa bansa ng UAE sa loob ng 24 taon na.  Nanilbihan siya sa kanyang unang pamilya ng 12 taon noong 1993 hanggang 2005. Kahit ngayon ay nagtatrabaho na siya sa ibang pamilya ay si Melanie ay kinakamusta pa rin ang kanyang mga dating naging una niyang employers.

Kamakailan lamang nitong Sabado ay nanalo si Melanie ng P1 million pesos at isang ticket pabalik sa kanyang bansa kasama na rin ang mga child care courses pagtapos niyang manalo bilang UAE’s Best Nanny title sa pangalawang pagkakataon.



Siya ang nangunguna sa 500 na iba pang kandidato sa lahat ng pamilya sa UAE na nannies. Ang nag bigay ng kanyang gantimpala ay ang Wealth Management Platform Rise, na siyang nanunukala upang makatulong sa mga migrante na nagtatrabaho sa UAE upang masuportahan ang kanilang kinakailangan at makapagambag pa ng kanilang kasanayan sa pakikisalamuha sa mga pamilya. Ito na rin ang pangalawang pagkakataon na magbigay ng gantimpala ang Rise.

Hindi lamang agad-agad pumipili ang kumpanya nang kahit na sino, nanalo si Melanie dahil siya ay tapat, mabuti, may dedikasyon sa kanyang trabaho at mabilis natututo.



Si Melanie ay dating mananahi sa isang pabrika sa Pampanga at pinaplano na rin niya na makapagpatayo ng supermarket kapag nag retiro na siya sa pilipinas. Ayon kay Melanie ay napakasaya niya na makatangap ng ganoong gantimpala na hindi siya makapaniwala sa mga pangyayari. Itinabi na lamang niya ang kanyang mga nakuhang pera sa premyo at inilalagay sa kanyang ipon bago pa siya mag retiro. Dahil sa kanyang panalo ay matutupad na rin niya ang kanyang pinapangarap na magkaroon ng sariling supermarket balang araw at makauwi sa Pilipinas para makasama ang pamilya.



Ang swerte nga naman talaga ni Melanie! May alam din ba kayong mga istorya na ganito? Maaari niyo itong ibahagi sa amin sa comment section sa ibaba!