Nakakita ang Crew ng Isang Sulat na Galing sa Kanilang Customer Matapos Itong Kumain at Kumirot ang Puso Nito ng Mabasa Niya ang Laman ng Sulat!

Halos lahat ng mga pinoy, lalo na ng mga bata ay paborito ang kumain sa sikat na pinoy fastfood chain na Jollibee. Kung magtatanong ang mga magulang kung saan gusto kumain ng bata, ang fastfood na ito ang paniguradong una nilang babanggitin. Ito ang isa sa mga puntahan ng bawat pamilya kapag pumatak na ang linggo. Naging parte na talaga ang Jollibee sa mga puso ng bawat Pilipino.

Kamakailan, isang maikling kwento ng babae ang naging inspirasyon at pumukaw sa damdamin ng mga tao. Nakatagpo ang isang crew ng tissue paper na may sulat na talaga namang nagpakirot sa puso ng Jollibee crew na ito.

Naglilinis lamang ng lamesa ang crew na ito at napansin niya na may sulat na nakalagay sa tissue paper ng Jollibee. Itatapon na niya sana ito subalit nang binasa niya ang sulat ay halos maiyak ito sa kanyang nalaman. Kaya naman hindi niya napigilan na ibahagi ito sa Social Media.




“Pinagbawalan na akong kumain ng unhealthy foods ng doctor ko. Na diagnosed kasi ako ng stage 2. Sana gumaling ako agad para di ko masyadong mamiss ang pagkain ko dito. Thank you Jollibee. Sa uulitin.” Ito ang mga nakasulat sa tissue paper na nakita ng babae.

Ayon sa babae, natatandaan pa niya ang itsura ng babaeng nagsulat ng note na ito. Ito raw nakasuot ng salamin at mukhang nasa edad 20 pa lamang.


Sa kanyang post, marami ang naiyak at kumirot ang puso dahil napakasak!t nga naman isipin na ang iyong paboritong pagkain ay hindi mo na makakain dahil kailangan na ng istriktong diyeta kung ikaw ay mayroon ng ganitong kondisyon. Talaga nga naman na Life is too short at hindi mo alam kung hanggang kailan mo na lamang maeexperience o matitikman ang mga bagay na iyong gustong gusto.

Ang sulat ng babaeng ito ay nagpadala sa atin ng mensahe na napakaraming tao ang may pinagdadaanan sa buhay na kung saan kahit ang mga simpleng bagay na nakakapagpasaya sa iyo ay maaaring mawala na lamang.

Sana nagng inspirasyon din ito sa inyo na ingatan ang inyong kalusugan at enjoyin ang buhay habang bata pa dahil hindi natin alam kung ano ang posibleng mangyari sa ating buhay. Marami ang nanalangin na sana bumalik ang lusog ng katawan ng babae at sana sa uulitin matitikman niya ulit ang paborito niyang Jollibee Restaurant.



Ang post na ito ay umabot na sa libo libong likes at shares sa loob lamang ng dalawang oras. Ang ibang mga netizens ay nagkomento tungkol sa post na ito at nagbigay alam ng pagmamahal sa nagsulat. Ang Jollibee Signal Village branch ay nagbahagi din ng pagmamahal at panalangin para sa babaen nagiwan nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *