Sampung Pinaniniwalaang Senyales na Magpapahiwatig na Kaya ka Manipulahin ng Iyong Partner!

Sa mga relasyo mayroon tayong tinatawag na give and take na kung saan nagbibigay tayo ng pagmamahal, alaga at suporta sa ating partner pero hindi lang iyon dahil nakakatanggap rin tayo ng katumbas na pagmamahal mula sakanila.

Subalit sa kabilang banda hindi natin napapansin na minsan ay mas napapadalas na ng pagbibigay ng pagmamahal ang isa habang ang kanyang partner naman ay humahangad pa ng mas marami sa kanya. Kadalasan, mas malaki ang effort at sakripisyo ng isa kaysa sa kanyang partner.

Kung madalas itong nangyayari sa inyo, ibig sabihin ay kayang kaya kayo manipulahin ng inyong partner. Kaya ibabahagi namin sa inyo ang mga senyales na nagpapahiwatig na namamanipula na kayo ng inyong partner. Narito ang ilang senyales ng manipulation:

1. Laging Ikaw ang Guilty

Sa bawat pinag-aawayan, panay ang sisi sa iyo ng partner mo, kaya ang resulta lagi kang guilty kahit hindi naman talaga ikaw ang may kasalanan. Isang halimbawa ng ganitong sitwasyon ay kapag magtatanong ka lang at bigla ka niyang sisisihin na ginugulo mo siya mula sa kanyang ginagawa kaya sa huli nakakaramdam ka ng feelings of guilt at maaari mong maisip na sana hindi mo nalang siya tinanong pa.




2. Laging sila ang biktima

Lagi silang nagpapaawa dahil sa kanilang nararanasan sa buong araw at ang tunay lang pala nilang gusto ay ang iwasan ang responsibilidad na dapat nilang gawin para sayo. Nang sa ganoon ay makakatanggap pa sila ng benepisyo mula sa iyo.

3. Ginagalit ka

Kung wala na silang masabing argument, gagawa at gagawa sila ng paraan para matrigger ang negative emotions na mayroon ka at ito ang magiging sanhi ng iyong pagkagalit. Magsisimula na ang pagkakaroon niyo ng maliit na pag-aaway hanggang sa may masabi kang salita na magagamit nila bilang depensa mula sa iyo.



4. Madalas ka na minamadali ka

Pinapamadali ka nilang magdesisyon ng mabilisan na parang nakadepende na iyong buhay mo sa desisyon na iyon at kung mali naman ang naisip mo, may iba na naman silang gagamiting depensa mula sa iyo. Sabi ng mga experto, mas mabuting wag magdesisyon ng mabilisan, dapat pag-isipan muna itong mabuti para maayos ang kinalabasan nito.

5. Wala siyang Interes sa iyo

Ang mga pagkakapareho lang ng mga manipulators ay wala silang pakialam, kahit ano man ang sabihin mo, kahit ano man ang nangyari sa iyo, wala siyang Interes dito dahil laging sarili nalang ang iniisip niya. Minsan kung gusto mong pagusapan ang iyong problema ang ginagawa nila ay iniiwasan ang pakikipag-usap at nagpapanggap na busy sila o di kaya naman ay binabaliktad nila iyong pag-uusap para mapunta sa kaniya ang topic.

6. Blackma!l

“Magpapakam^tay ako kapag iniwan mo ako” Ito ay isang manipulative technique na itinuturing na pinakaselfish sa lahat. Para maiwasan ang macontrol sa ganitong paraan, tandaan na isa lamang itong threat para lamang sa kanyang sarili, at ipaalala sa kanya na hindi ka responsable sa kanyang desisyon.


7. Binabaliktad ang Storya

“Hindi ba sinabi mo yan noon?” ganyan ang kanilang kanilang sinasabi para mas maging komporatble sila habang ikaw, naguguluhan na dahil hindi mo naman ito nasabi mula sa iyong sariling ala-ala.

8. Para silang Sirang Plaka

Dahil sa paulit ulit nilang binubuksan ang isang topic at magiging dahilan na naman ito ng paulit-ulit nap ag-aaway dahil lang sa ayaw niyang malaman o pag-usapan ang isa sa iyong common na problema.

9. Tricks

Kung ano ang gusto nilang kunin mula sa iyo, gagawin nila lahat para makuha lang ito. Gagawa at gagawa sila ng paraan tulad ng pag-eexaggerate ng request hanggang sa smaller request para lang matupad ang kanilang gusto.

10. Nagpaparamdam na wala silang kinalaman o hindi nila naiintindihan

Kunwari hindi nila naiintindihan pero ang totoo niyan ay umiiwas lang silang mapunta sa hindi komportableng sitwasyon para sa kanila sa tuwing kayo ay nagaaway o nagdedebate.

Ang pagkokontrol o manipulasyon ay isang trait of character ng isang tao kaya naman laging tatandaan hindi mo sila mababago unless gusto nilang mabago ang sarili nila. Kung hindi naman, mananatili sila sa ganoong behavior at mas mainam na maghiwalay na lamang kayo kaysa paulit-ulit mo itong maranasan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *