Sila ang mga Mag-Asawa na Artista na may Matatag na Relasyon Hanggang Ngayon!

Sabi sa kasabihan ng mga matatanda na tumatatak hanggang sa ngayon, “Ang pag-aasawa ay hindi katulad ng mainit na kanin na kapag sinubo mo at napaso ka ay puwede mong iluwa”.Dahil ang yugto ng pagaasawa ay maraming pagsubok ang mararanasan. Sa hirap man o sa ginhawa ay dapat na mananatiling magkasama o iisa.

Narito ang mga ilang artista na may matatag na relasyon hanggang sa ngayon at makikita rin ang kanilang throwback photos:

1. Aga Muhlach at Charlene Gonzales

Si Aga ay kilalang multi-awarded Filipino actor, product endorser at isa sa mga top dramatic actor ng pinoy showbiz. Si Charlene naman ay kilala bilang isang Filipino actress, television and film personality, at beauty queen. Ikinasal sila noong Mayo 28,2001 sa Baguio City. Ngayon, nagcelebrate sila ng 17th anniversary nila noong nakaraan na buwan ng Mayo 28,2018. Biniyayaan sila ng anak na kambal sina Andres Muhlach at Atasha Muhlach.




2. Dawn Zulueta at Anton Lagdameo

Si Dawn ay kilala bilang isang actress, host at commercial model. Si Anton ay isang politician at businessman. Ikinasal sila noong December 27,1997. Ngayong taon ay magdiriwang sila ng ika 21st anniversary. Ang kanilang anak ay si Jacobo Antonio Lagdameo at Ayisha Madlen Lagdameo.

3. Janno Gibbs at Bing Loyzaga

Si Janno ay kilala bilang isang singer,song writer, actor at comedian. Si Bing ay kilala naman bilang actress at singer. Sila ay ikinasal noong January 6,1991 at nagcelebrate sila ng kanilang 27th anniversary ngayong taon. Ang naging bunga ng kanilang pagmamahalan ay sina Alyssa at Gabriela Gibbs.



4. Richard Gomez at Lucy Torres

Si Richard ay kilala bilang isang actor, model, director, television presenter, plotician at athlete. Si Lucy naman ay kilala bilang isang actress, dancer, at politician. Sila ay nag isang dibdib noong April 28, 1998 sa Ormoc City kung saan hometown ni Lucy. Nagdiwang sila ng kanilang 20th anniversary nitong nakalipas na buwan. Ang kanilang nag-iisang anak ay si Juliana Marie Beatriz Gomez.

5. Gary Estrada at Bernadette Allyson





Si Gary ay kilala bilang isang actor at ang kaniyang asawa na si Bernadette ay kilala rin bilang actress. Sila ay ikinasal noong July 16,2001 at nag-celebrate sila ng kanilang ika 17th anniversary nitong taon. Biniyayaan sila ng tatlong anak na babae sina Gabrielle, Gabby, at Gianna.