Ganito ang Sikreto ni Henry Sy Kaya Naging Successful Ito sa Kanyang Business

Kilalang kilala natin si Henry Sy bilang may-ari ng pinakasikat na shopping malls at isa sa mga pinakamayaman na businessman sa Pilipinas. Saan man tayong lupalop ng Pilipinas ay mayroong nakatayong Shopping Center ni Henry Sy na kinagigiliwan na puntahan ng mga Pinoy.

Marami ang nagtatanong kung papaano naging successful si Henry Sy sa kanyang business at kung bata pa lang ba ay mayaman na ito. Kaya sa artikulong ito, ibabahagi namin sa inyo ang kanyang sikreto.

Narito ang kanyang detalyadong kwento at sikreto sa kanyang buhay:



1. Tulad ng lahat, si Henry Sy ay nagsimula bilang mahirap hanggang sa yumaman nalang ito dahil sa kanyang sikreto sa buhay. Napanganak siya sa China noong November 1924 at hindi siya lumaki sa isang mayaman na pamilya. Sa kagustuhan ni Henry na makabangon sa kahirapan, sinundan niya ang kanyang ama sa Pilipinas dahil ayaw na niyang maranasan ang paghihirap sa China.

2. Nagsimula si Henry Sy na magtayo ng sari-sari store business na nakatulong sa pang-araw araw niyang buhay. Nakatira lamang si Henry kasama ang Ama sa isang maliit na espasyo. Subalit noong nagkaroon ng World War II, nasunog ang kanilang sari-sari store at napilitan ang kanyang Ama na bumalik ng China. Naiwan si Herny sa Pilipinas at nagtayo ng isang maliit na shoe business sa Marikina.



3. Nag-umpisa si Henry na pag-aralin ang sarili at magbenta ng rejected at ovverun na sapatos. Hindi siya tumigil na magsumikap dahil nakikita na niya na paunti-unti na siyang umaangat sa kanyang business. Nagtayo siya ulit ng panibagong business sa Quiapo, Manila at doon siya nakapag ipon para lumago ang kanyang business.

4. Sa Quaipo, Manila ang kanyang pinaka unang mall na kilala bilang ShoeMart. Nag-expand ang store na ito at nagsimula na rin siyang magbenta ng damit at accessories. Noong 1972, lumago ito at tinawag na “SM Department Store”.

Ang tanging sikreto pala ni Henry Sy sa pagiging successful ay ang kanyang pagpupursige sa lahat ng bahay. Hindi basta basta sumusuko si Henry Sy kahit maliit lang ang pagbabago ang nakikita nito. Isa pa ay pinanatili ni Henry ang pagbibigay ng ginhawa, respeto at pagmamahal sa kanyang mga mamimili dahil ayaw nito na napapabayaan ang kanyang customer.



Kaya’t hanggang ngayon kung inyong mapapansin, kahit saan sa kanyang Shopping mall ay may istriktong implementasyon na laging may respeto ang kanyang workers sa mamimili lalo na sa mga matatanda dahil si Henry ay hindi lang puro pera ang nasa isip, kundi may malasakit ito sa kanyang customer na siyang nakapagpa-angat sa kanyang Business.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *